Liana's POV
Nageenjoy akong kainin tong pinapangarap kong kainin na tinapay ngayon. Sobrang sarap kasi e! Atsaka, mahilig ako sa tinapay! Salamat nga pala sa lalaki na nagbigay sa akin neto! Di ko alam pangalan niya e pero alam kong nasa upper year siya. Yun lang!
"Liiiiiaaaaaana!"
Narinig kong tinawag ako ni Kelvin sa laging masayang tono ng boses niya. Lumingon ako sa likod ko kung nasaan siya, bago ako ngumiti at bumati pabalik.
"Oy!"
Bati ko habang ningunguya tong tinapay sa loob ng bibig ko. Napansin kng napahinto si Kelvin sa paglakad at ngumiti sa akin. Tinitigan niya ako ng mahabang segundo..huh? anong problema neto?
"Liana, may tanong ako"
Tanong ni Kelvin, kaya sumagot narin ako-- pero! pero, lumunok muna ako! go Kelvin, ituloy mo na yang itatanong mo!
"Ano yun?" sagot ko
"Babae ka ba talaga?"
?..
Hah?
Malamang.
Halata naman e
"Hah? oo" sagot ko sa kanya na may tono na kung tawagin sa english eh..confuse! yun.
"Galaw mo kasi hindi e" asar niya sabay tawa
Napatwitch yung kilay ko sa sabi niya at nagsimula rin akong mainis
"E-ewan ko sayo!"
Binatukan ko siya sa ulo ng malakas pero tuloy parin siya tumawa. Hmph! ewan ko sayo Kelvin! maging masaya ka magisa mo!
"Hinde, totoo nga. Ang gaslaw mo kasi"
"Pano?"
"Like, tulad ngayon, yung ibang babae pag kumain, maayos, pero ikaw, parang bibitayin na bukas"
"Ano naman?"
"I'm just trying to say that be feminine once in a while"
"Hayaan mo nga ako!"
"I'm just helpig you out, sayang yung ganda mo e--"
Sabay takip sa bibig niya. Tama ba narinig ko?
"Salamat!"
Sabi ko sabay peace sign sa kanya, sabay ngiti
Nagbuntong hininga naman siya at nagsabi ng "yeah, whatever"
Pagkatapos ng usap namin, kumagat ulit ako sa tinapay ko, si Kelvin may kinakalikot sa cellphone niya, pero lumingon narin siya kaagad sa akin pagtapos non.
"Ang hilig mo sa tinapay no?" tanong niya
"Mhm, tikman mo, masarap!" sabi ko sabay kuha ng maliit na piraso sa tinapay sabay alok kay Kelvin
Kinain niya naman to pagkatapos.
"Hmm, well I think it's okay"
"Palibhasa kasi buhay mayaman ka e kaya normal nalang lasa neto sayo" sabi ko sabay yakap sa tinapay
"Haha, touché" sagot niya habang nakangiti, yung kamay niya nasa pocket niya
"Alam mo Kelvin" panimula ko
"Hm?" sagot niyang may ngiti at tinilt ang ulo niya
"Ang cool mo"
"Wah, talaga?"
"Oo"
"Haha, hindi ah"
"Cool ka!"
"Err..thanks?"
BINABASA MO ANG
Affinity
RomanceBoth childish. Both dense. Both don't care. So late to feel. So late to notice. But all in all, Affinity grows between.