Kabanata 27
Pretensions
Unti-unting umatras ang mga paa ko habang nakatulala kay Alas at Trish na mag-kayakap. Pain knocked on my heart and walked right in, destroying every strength I have.
I'm strong. I know I am. But why do I feel like I'm losing all my energy little by little? Bakit pakiramdam ko, wala akong kakayahan igalaw ang mga paa ko at lisanin na ang lugar na ito?
Tears welled up in my eyes and soon fell down, mixing with raindrops crawling down my face. Is this the reason why I'm always holding back to tell him the truth? About my true feelings for him? Because I know that this might happen?
Sabi ko naman sa'yo, Ania. Masasaktan ka lang oras na mahulog ka sa kaniya. He doesn't really mean everything he said to you. He's not really in love with you. There's no way he's going to fall for you. And you know why? It's because it's still Trish. It will always be her.
Noong iniwan siya, ikaw lagi ang takbuhan. Ngayong bumalik na siya, etsapwera ka na.
Halos makagat ko ang labi dahil sa matinding pagpipigil ng luha. But it still came out no matter how much I supress them. Para na akong sasabog. Literal akong nawalan ng lakas.
Hindi ko inaasahan ang biglang pagbaling ni Alas sa direksyon ko. Nagtama ang mga mata namin, nagkatitigan. I witnessed how his eyes slightly widen. Bumuka ang mga labi niya, tila ibinulong ang pangalan ko sa hangin. Lumayo siya mula sa pagkakayakap ni Trish.
Umiling ako, muling umatras bago tumalikod at tumakbo papunta sa kotse ko.
"Ania!"
Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan ay narinig ko ang tawag na iyon ni Alas. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa paglakad-takbo.
Pero gaano ko man bilisan, nagawa pa rin niya akong abutan.
Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para tuluyan na akong mapatigil. Nanatili akong nakatalikod, pilit kinakalma ang sarili. I did everything to calm myself down from crying but it's no use. They still keep on falling.
Hindi naman niya siguro mahahalata na umiiyak ako, hindi ba? Naulan at iisipin niyang basa lang ang buong mukha ko.
Humugot ako ng malalim na hininga saka humarap sa kaniya. Pinili kong ngumiti sa kaniya kahit pa masiyadong malalim at tingin na ipinupukol niya sa akin.
"I didn't m-mean to disturb you, I'm sorry. I was just w-worried because you're not answering my calls." pigil ang emosyong sabi ko.
Hindi siya sumagot, titig na titig lang sa akin. His eyes were like a storm, dark and intense than this rain pouring on us now. Basa na rin siya kagaya ko ngunit tila walang pakielam.
Sinubukan kong bawiin ang kamay ko mula sa kaniya niya pero mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak dito.
"Bakit ka umiiyak?" tanong niya, malalim ang boses.
"Ako? Bakit naman ako iiyak?" Natawa ako. "It's raining, Alas. Basa ang buong mukha ko—"
"Try harder, Ania."
Nagsalubong ang mga kilay ko, iritado siyang tiningnan. Gagawin ko ang lahat huwag mo lang mahalata na umiiyak ako ngayon, na nasasaktan ako dahil sa inyo ni Trish. Hindi ko hahayaang magmukhang nakakaawa ako sa harap ninyo.
Kahit pa ang totoo, nanghihina na ako... nababasag na ako.
"Why the hell would I cry, Alas? May dahilan ba para umiyak ako?"
"You tell me," he said. "May dahilan ba para umiyak ka? Ikaw lang ang makakasagot sa mismong tanong mo."
Umiling ako saka natawa.
BINABASA MO ANG
Monasterio Series #5: Risks and Chances
Random"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I was lack of showing it. I'm incapable of exhibiting my love... and that makes me a coward." - Ania Mo...