Kabanata 33

41.6K 1.7K 234
                                    

Kabanata 33

Decision

I watched how the fake led flowers dance by the silent music of the ocean breeze. It somehow helps to calm my mind that has been in chaos for the past days.

Hindi ko maiwasan hilingin na sana ay katulad na lang ako ng mga pekeng rosas na ito, hindi masisira ng basta-basta. It's not easy to break nor ruin into pieces.

I was not easy to break before. Not until I met Alas and let him enter my world. Hinayaan ko siyang basagin ang bawat salamin na harang na pumapalibot sa akin hanggang sa tuluyan niya na akong malapitan. Nag matigas ako noong una, sinabing hindi ako mahuhulog sa kaniya pero sa huli, wala rin akong nagawa. Nahulog pa rin ako... minahal ko pa rin siya.

Kung bibigyan ako ng pagkakataon bumalik sa nakaraan at muli ko siyang makikilala, wala akong babaguhin. I'd still yell at him on that night he saw me at the bridge where he thought I'd jump and get myself killed. Sisigawan ko pa rin siya at sasabihing lahat ng lalaki ay pare-parehas lang... kagaya nung una.

"Here's your order, Ma'am."

My thoughts were suddenly pulled out by that feminine voice. Ipinilig ko ang ulo sa gilid at nakita ang isang babae na inilalagay ang mga pagkaing in-order ko pagkarating dito.

Tipid akong ngumiti sa kaniya saka tumango. Nang matapos siya ay umayos siya ng upo sa tabi ko at ngumiti pabalik.

"Meron pa po kayong ibang kailangan, Ma'am?"

I shook my head. "I'm good. Thanks."

She nodded and turned her back on me. Nang wala na siya sa tabi ko ay nagbaba ako ng tingin sa pagkain sa harapan. It's a Marinara Pasta, a dish that has become my favorite because of him. He used to cook this before and I really enjoyed eating it. O, siguro... masarap lang talaga siya magluto.

I took the fork and twirled the pasta on it. Natigilan ako, wala sa sariling nag-angat ng tingin sa papalubog ng araw.

Kamusta na kaya siya? It's been a week since I left Manila and went to Cebu. Pupuntahan ko sana si Dashiel sa Argao kaya lang ay nalaman kong nasa Manila naman siya. I could have stayed there for the mean time as I try to start living a life without Alas being involve.

"What are you sorry for?"

Humigpit ang yakap ni Alas sa bewang ko at mas isiniksik pa ang mukha sa aking batok. My lips quivered as tears keep on staining my face. As more tears came, more thought whirled through my head.

"Are you breaking up with me?"

Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko nairaos na masabi ang tanong na iyon. Bago pa lang namin nararanasan ang maging masaya sa relasyon namin pero heto at sinubok agad ng tadhana.

Maybe I'm not really meant to be with him... as he is to me. People really come and go, huh? Is this the time for us to let go of each other?

"It never cross my mind."

"Things are getting complicated between us, Alas," My voice quivered. "I don't think we'll work out."

"I can never work things out with anyone else aside from you, Ania. Kung meron man akong gusto makasama humarap sa mga problema, ikaw lang 'yon."

Hindi ko maintindhan kung bakit mas lalong naging masagana ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ko. I should be happy hearing that from him but why does it hurt me even more?

"Why are you sorry then?" I asked.

We're still lying in the same position. Nakahiga ako patalikod sa kaniya habang siya ay nakayakap pa rin sa akin, mahigpit na para bang sa akin siya kumukuha ng lakas.

Monasterio Series #5: Risks and Chances Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon