Kabanata 17
Choice
Unti-unting huminto ang kotse ni Alas sa tapat ng bahay namin. Hindi ko na nagawa pang balikan ang sasakyan ko sa Ayala Triangle Gardens dahil nagdesisyon si Alas na ihatid na ako mismo rito pagkagaling kay Kris. Ang sabi niya ay ipapakuha na lang daw niya roon. Tumanggi ako. Sinabi kong ako na lang o 'di kaya ay si Zadriel. Baka mamaya ay magkaroon pa ako ng utang na loob sa kaniya.
"Gusto mong bumaba? You can have your lunch here." I said without looking at him. Nasa harapan ng daan ang mga mata ko, mas gusto na lang na doon tumingin kesa sa kaniya.
"Is that your way of thanking me?" he chuckled.
"Bakit naman kita pasasalamatan? I didn't ask you to punch him. I can do it myself."
Kahit na ang totoo ay paraan ko na rin ng pasasalamat ang imbitahan siyang kumain dito. Aminin ko man o hindi, nakaramdam ako ng tuwa na may nagtatanggol sa akin kahit na hindi naman talaga kami magkarelasyon.
Natawa siya. "Do it alone when you have me? Our first deal maybe already done for us but not with Kris. Ako pa rin ang iniisip niyang nobyo mo. I don't want him to think that no one is trying to defend you when you actually have me."
"I don't need someone to defend me, Alas. We can tell the whole world that we're over. Wala naman akong pakielam kung malaman ni Kris na tapos na tayo. It won't make me look weak as a woman."
"Tss. Daming sinasabi. Why can't you just thank me? A simple kiss on your neck will do."
Nanglaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hinarap ko siya at hinampas sa braso niya. I silently flinched in pain when my hand hurt because of his firmed bicep. Humagalpak ng tawa si Alas habang titig na titig sa akin.
"Damn you!"
"What? Don't tell me you haven't been kissed on your neck?" He smirked.
Mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya. "What do you expect? I'm a virgin, you asshole!"
"Trish was also a virgin when I got her but we always make out before I popped her cherry."
Ngumiwi ako at muling itinuon ang atensyon sa labas. "Well I'm not an easy woman, Alas."
"Or maybe, Kris isn't that attractive," he said in a low voice. Halos mapapitlag ako nang pag lingon ko ay ilang sentimetro na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't-isa. "How about me kissing your neck? Do you find it attractive?"
There's that ticklish feeling in my stomach again. Bago pa mahalata ni Alas ang biglaang tensyon na namamayani sa akin, lumipat na ang kamay ko sa bewang niya at pino siyang kinurot doon. He all of a sudden shut his eyes tight and bit his lowerlip, a smirk was plastered in there.
Nang magmulat siya ng mga mata ay mapungay na ito, hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngisi sa labi.
"How about that as an answer?" I said.
He chuckled. "I really need to give you some punishment whenever you're hurting me."
"Punishment my ass! Ano, gusto mo bang dito na magtanghalian?"
I had to change the topic for I am starting to get intimidated by his stares. Nang bumalik siya sa pwesto niya ay pasimple akong huminga ng malalim.
He shrugged his shoulders. "My schedules are clear for today so I guess it's fine."
Isang irap ang muli kong iginawad sa kaniya bago tumingin sa harapan. It's then Dashiel's familiar Monterro Sport stopped ahead of us.
Hindi ko inilubay ang tingin roon hanggang sa sabay na bumukas ang pintuan nito. Iniluwa noon si Dashiel at Zadriel, direksyon agad namin nakaharap. They're both wearing a wayfarer so I'm not sure where they're looking at. Pero nang itaas ni Zadriel and salamin niya at ipatong iyon sa kaniyang ulo, napagtanto kong sa amin siya nakatingin.
BINABASA MO ANG
Monasterio Series #5: Risks and Chances
Acak"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I was lack of showing it. I'm incapable of exhibiting my love... and that makes me a coward." - Ania Mo...