Kabanata 2

56.2K 2K 245
                                    



Kabanata 2

Pride

Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang malaking bulto ni Zadriel sa basement ng building ng penthouse ko. Nakapameywang ito, matalim ang tingin sa paparating kong sasakyan. He looks like a father who's waiting for his teenage daughter to come home because it's already past midnight. Nakapameywang pa ang loko.

Nang malapit na ako sa kaniya ay binusinahan ko siya. He glared at my direction as if he could already see me. I chuckled.

I wonder what he's doing here right now.

Pagkatapos maiparada ng maayos ang sasakyan, bumaba na ako mula rito. Naglikha ng alingawngaw ang pagsasara ko ng pintuan. Holding the car keys on my right, I walked gracefully as I ambled towards Zadriel who's watching me, a menacing expression laced within his dark aura.

"It's already late. What are you doing here?" I asked, my brow raising a bit. Nilampasan ko siya. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin.

"What happened?"

"Saan?"

"Your asshole boyfriend is looking for you. He told me that you had a small fight."

I rolled my eyes. Small fight, huh?

I pressed the elevator button to open. Nang makapasok ay sumandal ako sa salamin na haligi at pinagkrus ang mga braso.

"Let him go to hell." I said as Zadriel went inside.

He pressed the button until the door close. Sumandal siya sa haligi sa tapat ko at tinaasan ako ng kilay. Nag-iwas ako ng tingin.

"I'm listening."

"I'm not up for some stories, Zadriel."

"Uhuh. Am I right then?"

I heaved a sigh. I would never forget that this monkey is smart and very observant. Malakas pati ang pakiramdam niya lalo na pagdating sa akin. Ganoon ata talaga kapag magkakambal. We always feel when something is wrong with each other.

"You can say that..." My lips pursed.

"Motherfucker."

Pasimple ko siyang sinulyapan. Storm was slowly building in his eyes that they somehow look cruel.  It mirrored mine. His jaw was even clenching. Kung sa ibang tao ay siguradong natakot na ako sa dating niya.

Inihagis ko ang bag sa center table at pagod na naupo sa couch. I leaned the back of my head against it and shut my eyes. Hindi ko alam kung saan nagdiretso si Zadriel. Sa tuwing narito naman siya sa penthouse ay hindi ko na siya pinapakielaman sa ginagawa niya. He feels at home here. Minsan, mas gusto niya pang tumatambay dito kesa sa sariling niyang penthouse.

Huminga ako ng malalim, mabigat at tila may kung anong nakabara sa dibdib ko. Paulit-ulit pa rin na bumabalik sa ala-ala ko ang naabutan kanina, hindi man lang nagawang burahin ng alak kahit sandali.

I'm not the kind of girl that will cry over anything or anyone. Dad has taught us to be strong and mop our weaknesses and hide them under the rug. Hindi ako iiyak nang dahil lang kay Kris. Aaminin kong nasasaktan ako pero hindi ko siya iiyakan. He's not worth my tears. I'm so much more than her cheap whore.

"Here..."

Nagmulat ako ng mga mata. Isang lata ng beer ang nasa harap ko. Nagbuga ako ng hangin at kinuha iyon. I chugged the liquid down and anchored my eyes on the burning city lights from afar.

"Huwag mo akong sermunan." pangunguna ko sa kapatid.

"Hindi kita sesermunan. Mag-iinuman tayo hanggang umaga."

Monasterio Series #5: Risks and Chances Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon