-Twenty-

13 1 0
                                    

Leo's POV

"Bakit, sila na ba? Tinanong palang naman, ah?"

Parang tanga, ang lakas ng loob ko para sabihin yun ah. Pero sa totoo lang, nawawalan na akong pag-asa. 

Ilang araw pagkatapos magkita ni Trish at Sir Noah sa ball na iyon, ay 'di na natigil sa pagkekwento ang boss ko tungkol sa ex niya--- na 'di niya alam na naging ex ko rin.


Malamang sa malamang walang alam 'to na nauna akong ex dahil kung alam niya man, panigurado 'di ako neto kakausapin nang ganito na tipong wala akong alam sa babaeng kinikwento niya. Ang alam niya lang, magkaibigan kami. 


Kung pwede lang isingit na alam ko ang size ng paa pati amoy ng hininga ni Trish sa umaga eh ipagyayabang ko. Pero, ayokong magpadalos dalos. Bukod sa boss ko siya, baka walang balak si Trish ipaalam ang tungkol sa amin. Nag-iingat ata. Yung ipaalam nga sa akin na ex niya pala ang boss ko, 'di niya man lang ginawa. 

Yung tipong kahit "share ko lang." Alaws, pre.

Hindi masakit ang loob ko kay Trish ng dahil lang doon. Given na man talaga na noong college, ay nagkaroon siya ng boyfriend. Imposibleng wala. 

'Di lang talaga ako nag-atubiling alamin kung sino... Which I realized,,, was a dumb move.



Kung kilala ko kung sino ex niya.... 'di ko sana siya dinala sa ball na 'yon, amputa. Kinutuban ako nung mismong araw ng ball. Dahil 'di naman aakto ng ganoon si Trish sa harap ni Sir Noah.

//

"Oh, saan pupunta si Elara?" Tanong ni Kuya Aries nang makita si Trish na tumatakbo palayo.

"Ewan ko din eh. Hinabol pa man din siya ni Architect Noah. Ha? Magkakilala ba yung dalawang yun?" pagtaka ni Ate Melody.

Sabay akong tinignan nung mag-asawa.

"H-ha? 'D-di ko alam, actually..."

"Sundan mo, Leo. Baka kung ano ng nangyari dun. Kung 'di ako nagkakamali, siya yung ex ni Elara noong college."

"HA? Bakit 'di mo sa akin sinabi!" 

'Di ko na tuluyang narinig yung pagtatalo ni Ate Melody at Kuya Aries dahil sinundan ko nga sila. And sure enough,

"... I know I'm what? eight years too late? But.. Uhm, I really am sorry for leaving you behind and breaking... your heart. It was such an ass move and that, you can blame me for as long as you want."

Narinig kong sabi ni Sir Noah. 'Di na ako tuluyang nagpakita at nagtago na lang.


"Did you know that I already forgot about you? Hell, I didn't consider you as my ex, anymore. You were a nobody to me. That's how much pain you caused me."

'Di ako kumportable sa mga naririnig ko at ayokong makialam kaya umalis na lang ako.

///


Kilala ko si Trish na kahit magpaulan siya ng mga masasamang salita at galit, bibigay lang din siya. Ganon siya kabait.

Kaya 'di na  rin ako nabigla noong sinabi ni Yandro na 'di na masyadong sumasabay si Trish pauwi.


Alam kong umamin si Sir Noah kay Trish. Alam ko rin na nagtanong siya na kung pwede ba daw silang magkabalikan.... Ako ba naman yung pinagpracticean amp.

Exes and MatchWhere stories live. Discover now