"I'll be right with you, Doc."
Weeks had passed but it only felt like a day or two. Dire diretso ang naging duty ko na 7pm to 7am, so I had no time catching up on things. I have also been busy coordinating with Carina for our sister's debut next Saturday.
Last din namin na pagsasama ni Leo na kami lang sa mall 'non. Sinamahan n'ya akong pumili ng vanity mirror na ireregalo ko kay Layla. We had dinner pakatapos nang dumating si Yandro galing sa date n'ya.
After that, 'di na kami uli nakapag sama dahil kadalasan uuwi kami ni Yandro ng 8 am, itutulog namin, magaasikaso ng hapon at aalis uli ng gabi. Nagkakakitaan pa naman pero panandalian lang. Naging busy 'rin naman siya bilang nakwento niya na dadating na 'yung bago nilang chairman, at kailangan na nilang magfinalize nung pending projects ng firm nila.
'DI NAMIN SINADYA 'TO AH?
Indeed, Leo and I had a strange moment pero it wasn't something big. Gaps like that I would just shrug off. Minsan kasi talaga 'pag ex 'di maiwasan mag-asaran. Kadalasan si Yandro 'yong ganon pero minsan si Leo nakikisabay na 'rin. Knowing him, who's a bit of a babe magnet slash romantic, certain times babanatan niya ako na parang ewan. Nabigla lang ako nang gawin n'ya na naman sa akin all of a sudden. Ginawa niya na sa akin 'yon sa elevator nung nakaraang linggo. 'Di ko pinansin dahil baka mali lang pakarinig ko. Hindi na siya sa akin ganito nung mga nakaraang buwan. Puro pang-dedemonyo na kasi kadalasan eh.
Mag-aalas syete y media na ng umaga nang makita ko si Yandro lumabas ng ICU. Nakangiti pa ang loko habang naglalakad papalapit sa akin. Nauna akong matapos kaya hinantay ko na siya sa lobby.
"Para kang serial killer, 'lam mo 'yun?" Bungad ko
"Epal mo. Masaya lang ako, Shang. Last rounds na 'to. Simula next week, 'di na tayo mga kuwago," sagot niya habang tinatanggal ang coat at inabot ang backpack niya na dala-dala ko.
Nagpaalam na kami sa mga seniors namin bago umalis ng hospital.
"'San tayo magb-breakfast?" Matamlay kong tanong. Bigla na akong tinamaan ng pagod at antok.
"Uhm, ako na pipili. Matulog ka na muna."
'Di na ako sumagot at pumikit na lang. Hindi naman ganon kalayo yung condo ko sa Hospital pero okay pa rin naman na umidlip kahit konti.
"Shang, wake up." I felt Yandro's finger rubbing against my cheek. I woke up to the sound of the engine as it stopped.
Andito na pala kami. I went out of the car half-awake. I even heard Yandro chuckling kasi bigla lang akong lumabas ng kotse niya na parang zombie.
Nang nahabol niya ako sa paglalakad, his left hand was holding my waist while the other was for my shoulder bag. Mas nafeel ko lalo yung antok nung nasa elevator na kami.
"Shang. Keep it together. Malapit na tayo sa condo mo." He uttered. I just nodded as a response. He answered his phone when it suddenly rang. Hawak niya parin ako sa likod kaya pahirapan siyang sagutin yung tawag. I tried reaching for my shoulder bag to ease him, but he just pulled it away and clutched it onto his left shoulder.
Yandro is such a gentleman. Little things like this matter.
"Op? Yep. Elevator na. Eto, lapit na maKO. Ready na ba? Geh, on the way."
Nang tumunog yung elevator, naalimpungatan ako. Hinila ako ni Yandro palabas.
Papikit na sana ako nang naaninag ko si Leo na nakasandal sa pinto ng condo ko.
Napaayos tuloy ako bigla ng tindig nang kumunot yung noo n'ya pagkakita sa'kin.
"Anyare diyan? Nakainom ba 'yan?" bungad n'ya saamin.