-Fourteen-

12 3 1
                                    

Trish's POV


Dumating ang araw ng Annual Ball nina Leo. Kwento niya sa akin, ginaganap daw 'to bilang auction na rin para sa mga sinusuportahang  charities ng company nila. Tuwing December daw talaga ginaganap pero nagsilbi na ring welcome home party sa bagong boss nila. Yung anak lang naman nung namatay na Chairman ang pumalit. Heart attack daw yung cause of death at si Yandro, binigyan kami ng hours of lecture patungkol sa sakit.... Gusto atang mabuhay kami ng habang buhay non.

May duty ako kaya ihahatid ako ni Yandro pauwi. Pagkatapos ay dun na lang din ako sa condo mag-aayos at by 9 pm, susunduin ako ni Leo. 'Di pa nga 8:30, tapos na ako mag-ayos. Hindi naman sa hindi ko pinaghandaan pero bilang date lang naman ako, ay sinimplehan ko lang. Tamang light make up lang at accesories. Kahit nga na pinasuot sa akin ni Ate Noelle 'tong mamahaling necklace at pearl earrings, hindi naman ako ganoon aabot sa aurahan niya. Hindi din pa ako nag full-course dinner, nagtake out lang kami ni Yandro ng burger para may laman ang tiyan ko. Ayaw ko naman mabusog kung may pagkain naman doon.

Sakto namang naglalagay ako ng heels ko nang may kumatok. 8:20 palang pero mukhang si Leo na 'yon.

"Pasok!" sigaw ko.

Bumukas yung pinto at bumungad sa'kin si Leo na naka black suit and tie.

His hair was gelled on the side, with some strands touching on his right eye. 

W-wow

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

W-wow. He's really good looking. I wonder tuloy kung bakit 'di siya nakapaghanap ng date bukod sa'kin. Sa gwapo niyang iyan, sinong tatanggi?

"Do I really look that hot? You're drooling over me. Eto, panyo."


Ang pasmado nga lang ng bibig....


"Ang epal," hinawi ko yung kamay niya at kinuha na yung clutch bag at phone ko.

"Tara na nga!" Lumapit ako sa kanya at tinulak palayo sa pintuan. 'Di gumalaw ang kupal. Ang lapit niya sa akin masyado, naaamoy ko yung pabango niya.

"Ano ba? 'Di ka ba diyan gagalaw?"

And it hit him.

"Shuta, yung susi ko!" Tumakbo siya pabalik sa unit niya. Ang bobo talaga at naiwan yung susi ng kotse sa bahay niya.

Napailing na lang ako at naghintay sa kanya sa lobby sa baba.

Nakareceive pa 'ko ng mga texts--

From: Yandro

Shang-lara, have fun but don't drink too much. Mwapszx.


From: Ate Noelle

Gorg! Tonight's the night, right? Hey! Stand up straight. Your dress is stunning but self-confidence is the best outfit. Rock it and own it, Love! xo

Exes and MatchWhere stories live. Discover now