Yandro's POV
//
"You see, the degree of severity does not always equate to the degree of recovery. For instance, a patient with a very low ejection fraction can eventually completely recover from peripartum cardiomyopathy. However, some patients recover only part of their heart function over a period of six months or longer."
Pabibo ang tae. Akalain mo yun. Nasagot ko iyon nang hindi utal utal? Binulungan ata ako ng kaluluwa ng Doktor kong tatay HAHAHA.
Dejoke lang. Mahilig talaga akong mag-aral, 'di lang halata. Ako yung tipong, malaTide----- Gulat ka 'no?!
Nagpapabibo lang naman ako kapag may atraso ako.
Tulad ngayon, nagpapabibo ako dahil last week 'di ako nakapaduty nang maayos. Anniversary kasi ng bar ng Ate ko, at kailangan ko siyang tulungan doon.
Alam ko namang makakabawi ako sa duty dahil pabor naman sa akin yung schedule ko.
"Shang!" bati ko kaagad nang makita ko si Trishang. Simula noong naging intern kami, Shang na talaga tawag ko sakaniya. Mas kumportable ako pag-ganon. AT ako lang dapat tumawag nun sakanya. Mababatukan ko kung sino man mag Shang sa Shang ko... Ang talino ko dahil naisip ko 'yung pangalan na iyon.
Dapat nga dahil naghiwalay na kami, bawasan ko yung ka-closean namin. Pero, napamahal na talaga sa akin si Trisha at kahit gustuhin ko man na itigil, naeentertain ako sa tuwing nakikita ko ang reaksyon ni Leon kapag tinatawag ko si Trisha nang ganon.
Seloso ampotek. Kumalma kaya siya, baka mapaghalataan siya sa kabaliwan niyang iyan.
1st year high school pa lang, kaklase ko na si Leo. 'Di kami ganoon na ka-close dahil iba naman ang tropa ko pero tama lang. Nakakalaro ko siya noon sa basketball. Paminsan naman, naandon siya kapag nagyayabang ako sa mga nakakadate kong babae. Pero 'di naman siya umiimik, dahil 'di naman siya babaero noon.
Nagkagirlfriend siya nung 2nd year high school, tumagal naman sila ng lagpas 6 months pero naghiwalay lang din dahil nag-sawa yung babae. Sinubukan namin siyang hanapan ng chix noon ng halos isang taon pero pass siya parati. Pala-aral naman iyon kaya ganoon.
Pero, hula ko may crush siya kaya 'di niya tinatanggap mga reto namin.
Hanggang sa malaman ko na lang ng summer, na sila na nung Top 1 sa klase namin, si Trisha.
Halos nag isang taon naman 'yong dalawang yon eh. Umabot pa ng prom. Pero, ewan ko ba pagkatapos nung gabi na 'yon, nag-break sila. Akala ko nga noon naka-score si Leo dahil sa pagkaalam ko umalis sila ng hotel na 'yon. Pero, mga ilang minuto pakatapos ko ichat si Leo kung kamusta ba, nakita ko na lang tumatakbo si Trisha palabas ng hotel na umiiyak.
Chismoso ako pero 'di ko alam kung anong totoong nangyari sa kanila. Ang nangibabaw lang noon eh nagloko daw 'tong si Leo. Nadawit pa pangalan nung crush kong si Erika. 'Di na rin ganoon umiimik si Leo tulad ng dati, so I assumed it was one hell of a breakup.
Leo and I stayed friends until college. Mag-kaiba kami ng university pero palagi pa kaming nagkakainuman kasama ng mga tropa namin na nagkahalo halo na din.