-Seventeen-

13 2 0
                                    




"GAGO! Eh mali naman 'yan eh! Inuuto mo 'kong hayop ka!"

Ano ba naman iyan! Ang baho ng bibig ni Yandro kapag naglalaro.

"You lost, bro. What are you gonna do about it? I'm the new owner of your fucking Air Jordan 1!"

At ayun na nagmumura na naman si Yandro dahil natalo siya kay Leo. Ewan ko ba kung anong nilalaro ng mga 'yon basta alam ko maraming beses natalo si Yandro at kalaban niya roon si Leo. Ang bobo, nakipagpustahan pa tapos yung pinusta yung sapatos niya. Hayst.

Nasa condo kami ngayon at nakitambay yung dalawa dito. Lahat kami walang trabaho kaya naisipan nilang guluhin ako. Wala naman kaming labas ni Noah dahil nagpa-Tagaytay silang mag-ama.

I had been enjoying Noah's company these past few days. Tuwing late na yung tapos ng duty ko, may mga araw na siya yung nakaabang sa labas. Kadalasan naman, siya ang nakakasabay kong maglunch. Gusto ko nga sanang ipakilala siya kay Yandro pero laging wala sa timing. Basta ang alam niya lang may nakakasama ako pero 'di ko pa sakanya napapakilala nang pormal. Alam kong nagtatampo na 'to dahil 'di ko siya nasasabayan kaya binabawian ko tuwing may chance.

MUNTANGA EH SIYA DIYAN YUNG NAUNANG LAGING M.I.A, SIYA PA TALAGA MAY GANANG MAG-TAMPO. SUNTUKIN KO SIYA DIYAN EH. TSK.

Nagpadeliver na lang ako ng lunch para sa aming tatlo dahil late na ako nagising at bigla lang talagang sumulpot 'tong dalawang 'to dito. Tinamad na 'rin akong paglutuan sila.

"Hoy! Ang ingay mo Yandro. Nakakahiya sa delivery boy, gago ka!" Sigaw ko pakakuha namin ni Leo ng pagkain doon sa rider.

"Tang---"

"Alejandro, ang bibig mo. Ang bobo mo kasi," sabay tawa nang malakas.

Ang haba pa 'rin ng nguso ni Yandro habang kumakain kami ng lunch. Si Leo naman ngisi lang ng ngisi. May halong pang pang-aasar na mga tingin kay Yandro. Ewan ko na lang kung ano ng nangyayari kay Leo sa utak ni Yandro ngayon.

Vibrate lang ng vibrate yung phone ko habang kumakain kami. Ayaw ko naman kasing gumamit ng phone habang nasa hapag. Alam ko naman na si Noah or si Olivia yun na ina-update ako.

I think it was safe to say that Noah was courting me...again. He told me that himself.

Well.. 'Di niya sinabi yung 'liligawan kita' instead he said,


"I think I want to win you back." or feelingera lang ako?


I didn't know how but it was romantic. Kahit na sinabi niya lang yun habang nasa kotse kami at hatid niya ako pauwi. He didn't ask for my permission, which was how we actually started before. I remembered how he didn't ask me kung pwede ba siyang manligaw. He just made all these efforts, confessed to me and gave me as much time to decide if I was willing to be his girlfriend.

If I'm right, he's doing the same thing right now. Honestly speaking, I have no idea what will happen next.


I do not know where my heart is at the moment.






"Leo... isa pa ngang round?"

"Nope."

"UGH."








Especially now that I have these two to think of. Ano kayang iisipin nitong dalawa if isa lang naman sa mga ex ko yung pumoporma sa akin ngayon?





Pagkatapos naming kumain, pumasok si Yandro sa kwarto ko... para ata magmukmok habang kami na ni Leo yung nagayos ng mga pinag-kainan namin.

"Seryoso ba 'yong pustahan? Sayo na talaga yung sapatos niya?"

Exes and MatchWhere stories live. Discover now