VI

73 2 0
                                    

HE HEARD Casper humming. Pamilyar sa kanya ang tono, at hindi pa man nabuo ang linya ay nasabi na niyang “I Will” iyon ng The Beatles. Sinulyapan niya ito upang makitang pinaglalaruan ng mga daliri nito ang lapis habang nakatuon ang mga mata sa laptop nito.

Kung ano man ang binabasa nito ay alam niyang wala doon ang isip nito. He’d known Casper since they were adolescents. And he knows that something good has happened whenever he’s humming. Kahit wala itong sinabi sa kanya ay alam naman niya kung ano ang nagpapaganda sa mood nito, at naiirita siyang isipin ang nalalaman.

Itinuon niya muli ang pansin sa pagtatanaw sa pamamagitan ng kanyang binoculars bago pa man tuluyang mainis sa lalaki.

“Anong ginagawa mo, Clarke?” puna nito nang matahimik.

“Star gazing.”

Narinig niya ang paggulong ng swivel chair na inuupuan nito palapit sa kanya at sumilip sa bintana. He did not looked back at Casper but he could feel his sight of disbelief when he found out that it was not the constellation—Apollo’s lyre—he was gazing, but his own fetish. Nasa Science Library si Lyrah na nakaupo sa may bintana na kitang-kita lang mula sa bintana ng opisina ng Dean na kinaroroonan nila ngayon. Nagsusulat ito habang may nakabukas na malaking libro sa harap nito.

“You’re hopeless, Clarke,” komento nito sa mababang boses.

“Shut up.”

“Seriously… bakit hindi ka na lang bumaba at ipalabas ang mga pagnanasa mo sa kanya?”

“Just how much of a pervert do you want me to be?” mariin niyang wika at binalingan ito. “At ano 'tong nabalitaan ko, Casper? Binuntis mo na naman si Tobi!”

Malapad na ngisi ang itinugon nito sa kanya habang hinahagod ang batok. “Heh, alam mo na pala.”

Parang gusto niya itong sunggaban. “Three children in four years. What are you? Some demon of lust?”

“The first was conceived before we got married, Clarke,” pagpapaalala nito. “At anong masama do’n? Malaya kong naipahayag ang mga nararamdaman ko—”

“Sinungaling ka noon.”

“Well, at least, I’m not some pathetic stalker.”

“You pig.” Nagtagis ang ma bagang niya sa pagtukoy na naman nito sa kanya ngunit pinili na lang niyang huminga ng malalim.

“Bakit hindi ka na lang magpakatotoo at ligawan mo siya ng maayos sa halip na magtiis sa kakasilip sa kanya?”

Napangiwi siya. “Na para bang ganon lang 'yon kadali.”

“That’s some excuse you have,” sarkastiko nitong tono. “Ikaw lang naman ang nagpapahirap sa sarili mo. Ibang klase ka talaga, alam mo 'yon? She’s already within your reach and you still hesitate to hold her.”

“I’m Clarke Ashton of the Rocchelli Family,” napataas na siya ng boses. “Sa tingin mo ba madali ang magpakatotoo at maging lovey-dovey sa kanya? She will become target of my enemies if I won’t hold back.”

Napangiwi ito. “The part of Lyrah being your enemy’s target is true. But come on, Clarke Ashton of the Rocchelli, alam nating dalawa na isang kasinungalingan ang mga pinapalabas mo. Kung nakaya kong protektahan si Tobi habang bahagi rin ng Rocchelli, ano pa kaya ikaw na mismong pinuno at may maraming alagad? Ginagamit mo lang na dahilan ang organisasyon para pagtakpan ang mga kinatatakutan mo.”

Natigilan siya. “Whatever you say.” He kept his calm by not denying or admitting. But the truth is, he really wants her. Maski siya ay hindi makakasukat kung gaano kalaki ang pangangailangan niya kay Lyrah.

Ashes Trilogy - Thunder Under Blue SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon