“SORRY for making you the bait, Lyrah,” wika ni Casper. “We already know that we’re having a spy in our territory. At naisip naming hayaan kang maiiwang mag-isa sa puder niya para umamin siya sa kanyang pagkukunwari. You were not harmed, thank goodness, but I know you’re still fearful. I’m so sorry, but for now, please bare the trauma.”
Na-admit si Clarke sa ospital matapos itong nagtamo ng mga sugat sa barilan. Sa kabutihang palad ay hindi naman naging kritikal ang kondisyon nito bagama’t halos dalawang araw nang walang malay. Siya ang nag-abang dito sa ospital sa pagpipilit ni Casper kapalit ng pag-aasikaso nito sa “binagyo” niyang bahay. Nakakapagtakang hindi man lang ito dinalaw ng ama nito o kahit sinong kadugo nito.
Binalikan na ni Lyrah ang kasalukuyan nang mamalayang ilang minuto na pala siyang tulala. Sariwa pa sa kanya ang mga pangngyayari. She can bare the trauma. Casper didn’t have to ask her. At kahit na inamin nitong ginawa siyang pain ng mga ito ay hindi naman siya nagalit. The truth is, whether the siblings are related to her or not, there will always be people that will chase after her, to obtain what was known as “Tempest”. Pagkatapos ng araw na iyon ay alam na niya na hindi na matatahimik pa ang buhay niya kaya hindi na dapat humingi ng paumanhin si Casper. At iyon ang ipinag-aalala niya dahil nag-iisa lang siya at walang security. Kaya nagpapasalamat na rin siya at nandoon ang mga ito.
Umusbong lang talaga sa kanya ang mga katanungan tungkol kay Clarke. She had known all her life that she will be working under the Ashtons. She knows the nature of her future job in ALI. But she had been oblivious of Clarke, and even of his father. Ngayon lang niya natanto na masyado palang misteryoso ang pagkatao nito.
Ipinagtataka pa rin niya kahit papaano ang koneksyon ni Clarke sa kanya. Bukod sa utang, meron pa ba siyang alam tungkol kay Papa?
Naudlot lang ang kanyang pagmumuni nang bumukas ang pintuan ng banyo at ibinuga noon si Clarke na katatapos lang maligo habang pinunasan ang basa nitong buhok. Simpleng naka-cotton pants at itim na t-shirt lang ito, at naka-sling pa rin ang kanang braso para hindi mabinat ang sugatan nitong balikat.
Kaka-discharge lang ni Clarke sa ospital sa gabing iyon at hindi siya makapaniwala na masigla ang mga kilos nito na para bang walang tinamong sugat. Lalong hindi niya mapaniwalaan nang dumiretso sila sa pag-aari nitong condominium sa ciudad kasama siya. Mariin nitong ipinilit na isama siya. Kaya kasalukuyan siyang nasa unit ng lalaki at hindi pa siya basta-bastang nakakalabas. May naka-install na electronic lock ang main door noon at hindi nito sinabi sa kanya ang security code.
Hindi pa siya nakakauwi sa bahay niya kaya hindi niya alam kung ano ang sitwasyon. Baka nga kung anu-ano na namang usapan ang kumalat tungkol sa kanya sa bayan nila. Todo-todo man ang pagpilit niyang umuwi ay wala pa rin siyang nagawa. Habang awtokratiko si Clarke ay kinumbinse naman siya ni Casper na para sa kabutihan lang niya iyon. Na sisiguruhin muna ng mga ito na ligtas na siya sa kanyang pagbalik. Ipinangako nito na paplantsahin nito ang gusot habang wala siya.
Isinampay na ni Clarke ang tuwalya sa sandalan ng isang upuan at nanlaki na lang ang mga mata niya sa nakita. Puti ang buhok ng lalaking nakatayo. It was even paler than Casper’s. It was really white. Hindi ito si Clarke kundi isang foreigner. Isang estranghero!
Minasdan siya ng lalaki. At napataas ang kilay nito nang mapuna ang ekspresyon niya. “What are you staring at?”
He had the same cold voice, the same arrogant way of talking and a familiar face.
“C-Clarke? Ikaw 'yan?”
“Ano namang klaseng tanong 'yan, baliw?” Binuksan nito ang fridge para kumuha ng canned beer.
“But your hair was blue.”
“It was a dye.”
“But—”
BINABASA MO ANG
Ashes Trilogy - Thunder Under Blue Skies
RomanceLyrah is a science geek, a software enthusiast, and also an insomniac; wide awake at night and likes to sleep especially on a sunny day. Minsan ding naturingang problem student dahil madalas natutulog sa mga lectures. At twenty-three years old, saka...