NAGMISTULANG estatwa si Lyrah na nakaupo sa harap ng may katandaang lalaki sa malaking hardin ng bahay na iyon. Naisip niya na baka nasa fifties pa ito kahit pulos puti ang hibla ng buhok nito. Hindi na iyon nakapagtataka dahil iyon na ang natural na kulay ng buhok nito. With the same eye color and almost the same face of some tyrant child she knows, it was only Ludwig Ashton she was talking.
Ipinatawag siya ni Sir Larry kanina sa opisina nito na akala niya ay in-depth meeting lang nila tungkol sa thesis niya. Iyon pala ay naroroon ang mismong secretary ni Ludwig Ashton upang sunduin siya. Makikipag-usap daw sa kanya ang presidente.
Kinabahan siya. Kahit na benefactor niya ito at dati itong amo ng ama niya ay hindi pa niya ito nakita ng personal. Itinago niya ang panic habang hinihimay nito ang personalidad niya ngayon. Lyrah was not seeing him as the president of ALI but as Clarke's father.
"You can relax, dear. Hindi ako nangangain ng buo."
Tipid na ngiti lang ang itinugon niya.
"Maliban na lang kung hindi ko magugustuhan ang mga sasabihin mo."
Napigilan niya ang kanyang paghinga.
"I was kidding," he slightly waved his hand to erase whatever ill that's left in the air. "I like honest people, seriously. At isa pa, hindi kita pinatawag dito para pag-usapan ang pag-aaral mo."
"P-Pasensya na po kayo, Sir," yumukod siya. "Hindi ko lang po inaasahan na marunong pala kayong magbiro. Si Clarke kasi..."
"Ah, ako na ang hihingi ng paumanhin sa ugali ni Thor."
"Thor?"
"Oh, excuse my mindlessness," anito nang mamalayang sinabi nito ang bagay na hindi dapat nito sinasabi sa ibang tao. Ngumiti lamang ito at nagkibit ng balikat. "We sometimes call him 'Thor', that Clarke. Ang isa kong anak ang nagsimula no'n. He's blunt, domineering and ill-tempered."
Itinago niya ang tuwa. Clarke was indeed identified as the irascible thunder god. And was especially confirmed by his father.
"At narinig ko na pinilit ka raw ni Clarke ng engagement."
Natuon niya ang buong atensyon dito. Kung ganon wala itong alam sa kalokohan ni Clarke na may kaugnayan sa kanya?
"Again, I'm sorry, Lyrah. Clarke is really a brat. Hindi mo siya kailangang patulan. Kung gusto mong mabitawan niya, tutulungan kita. Wala siyang magagawa kung itatanggi mo-"
"Mawalang-galang na Sir Ludwig," putol niya. "Alam ko po na hindi tamang pilitin niya akong magpakasal sa kanya. Pero hindi po ako tumatanggi."
"I see," humigop ito ng kaunting tsa. "So you love my son."
Muntik na siyang mabilaukan sa simple nitong wika.
"Kung nagkakagusto ka lang, mas maiging hindi ka na tuluyang mahulog sa kanya."
A-Anong ibig sabihin nito? Ayaw ba niya kaming magkatuluyan? Dahil ba mahirap lang ako? Kagaya ba ito ng ibang drama? Langit at lupa?
"Wag mo sana iyong masamain, Lyrah," inilagay nito sa platito ang tea cup. "Alam kong mabait kang bata. And my son is spoiled. Hindi ko masisiguro sa 'yo na magiging tapat siya sa 'yo. Even I had headaches with his moods. Inaalala ko lang ang damdamin mo."
Yumuko siyang muli upang tingnan ang repleksyon niya sa sarili niyang tsa at nagbitiw ng ngiti. "It does not really matter if he likes me or what. And I wouldn't mind if he gets sick of me someday. I mean, it's going to hurt given that I love him. This is my atonement for my father's sin to your family."
"Lyrah."
"Wala po akong ideya kung gaano kalaki ang nawala nang unang lumaganap ang Tempest sa ALI, pero sa nasaksihan ko ang bangis ng virus, baka higit pa sa imahinasyon ko ang nangyari sa inyo. If marrying your son is the least that I can do to pay-"
BINABASA MO ANG
Ashes Trilogy - Thunder Under Blue Skies
RomanceLyrah is a science geek, a software enthusiast, and also an insomniac; wide awake at night and likes to sleep especially on a sunny day. Minsan ding naturingang problem student dahil madalas natutulog sa mga lectures. At twenty-three years old, saka...