III

64 5 1
                                    

KADA-LIMANG minutong napapahinto si Lyrah sa paglalakad sa kalye para lang sulyapan ang kanyang likuran. Hindi naman nagyeyelo ang mga sidewalk pagkatapos niya iyong daanan o kaya ay nag-aapoy ang kanyang mga yapak o kaya ay may nag-lalanding na mga meteors. Wala pa namang kakaibang nangyayari kapag hindi siya nakatingin.

At itigil mo na 'yan, Lyrah, dahil nagmumukha ka nang paranoid.

Ngunit kahit anong saway niya sa sarili ay hindi niya pa rin maiwasang mag-isip ng ganoon. Kadalasan ay naglalakad lang naman siya pauwi galing sa eskwelahan kahit na limang barangay nga ang layo ng bahay niya roon. Pero ngayon lang siya nababahala ng todo. Paano naman kasi ay nasa likuran niya lagi ang dalawang lalaking nakasuot ng itim na suit sa tuwing lilingon siya. Nagkukunwari pang walang pakialam sa kanya pero obvious naman na sinusundan talaga siya ng mga ito. Wala namang masamang ginagawa ang mga ito pero kahit sino ay nakakahalata na sa kakatwang tanawing iyon. Nagmistula siyang masamang tao na sinusubaybayan ng mga secret agents. It was both creepy and funny to other people.

Huminto siya at hinarap ang mga ito. Nahuli naman niya ang mga ito na agad na napahinto sa pambibigla niya.

“Stop following me!” bungat na sa wakas.

“Pero, Ma’am, pupugutan kami ng ulo ni Boss kapag natakasan mo kami.”

Ang Clarke na 'yon…. Napasapo na lang siya ng ulo. “Ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na hindi ako tatakas? Uuwi lang ako,” mahinahon niyang ipinilit.

“Hindi namin 'yan masasagot, Ma’am. Babawasan ni Boss ng limampung porsyento ang sahod namin kapag nagsalita kami ng masama tungkol sa kanya.”

“Huh? Ganon siya kalupit?”

“Pasensya na, Ma’am.  Gaya ng sinabi ng kasama ko, babawasan ni Boss—”

“Oo na, oo na. Babawasan na ni Boss ng fifty percent ang mga sahod ninyo.” Why don’t you go lick his feet for now and let me go home by myself? Pero alam naman niya na hindi talaga siya tatantanan ng mga ito kahit pa makarating siya sa kanyang bahay.

Bumuntong-hininga na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Napagpasyahan na niyang balewalain na lang ang bulung-bulungan ng mga taong madaraanan niya. Hindi na siya dapat nagreklamo sa mga sandaling iyon. Sanay na siyang pinag-uusapan. Being followed by “goons” was no match of the rumor that she’s a vampire since her teenage years.

And she’s awfully tired. She had had enough of unbelievable events for the day, and most of it involves with that terrible Ashton. Attempting to argue will only worsen her fatigue.

Ngunit isang bagay lang talaga ang hindi niya maialis sa kanyang utak, ang matuklasan ang kalokohang pinasok ng kanyang ama—na may utang ito kay Clarke. It did not upset her much though. Her father had done more disturbing things than that. Naiinis lang talaga siyang isipin na hindi man lang ipinaalam ng kanyang ama ang utang o utang na loob nito sa lalaki. At ang masaklap, siya pa ang collateral.

Collateral… ako mismo ang pambayad!

Kung nalaman lang sana niya iyon ng maaga ay napaghandaan niya sana ang pagsingil ni Clarke. At marahil ay nakumbinse pa niya ito na pagtatrabahuan niya ang anumang utang ng ama niya. Meron naman siguro itong puso sa kabila ng kademonyohan nito.

I still doubt it. Napakamot siya ng ulo. Ahhh! I can’t believe I’m getting married!

She’s really not partial of the thought. Well, at least not now. Bukod sa awareness niya sa kawirduhan niya—at walang matinong lalaking nagkakagusto sa isang weird—hindi niya talaga naisip kahit minsan ang mag-asawa. Hindi dahil sa ayaw niyang isipin, wala lang talaga sa schedule niya ang pagplanuhan ang bagay na iyon o kahit ang magplano sa kinabukasan niya. Kagaya ng dahilang sinabi ni Clarke, wala siyang oras na makipagsapalaran sa pag-ibig. Abala siya sa isang bagay at ang bagay na iyon ang pangunahing dahilan kung bakit nawala sa isip niya ang pag-aaral.

Ashes Trilogy - Thunder Under Blue SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon