NAKATUON sa strawberry shortcake at sa isang basong tubig sa harap ni Lyrah ang kanyang mga mata. Habang inaaabangan naman ng mga kasama niya ang kanyang gagawin.
“Ano 'to?” walang ideya niyang tanong.
Nagpakli-pakli lang siya ng mga pahina sa mga librong hiniram niya sa library. At naguluhan na lang siya ng dumating ang mga kasama niya at “linisin” ang mesa niya sa mga nagkalat na papel para paglagyan ng maliit na kahon ng strawberry shortcake.
“Congratulations,” si Miriam ang sumagot.
“Proposal pa lang ang approved. Hindi ko pa nasisimulan ang thesis ko.”
“Well, congratulations sa pagtanggap ni Sir Larry sa thesis mo kahit na lagpas na lagpas ka na sa deadline…”
Dapat nga pala niyang magdiwang. Ikamamatay niya kung hindi na siya pinayagan ng napili niyang advisor sa kanyang proposal dahil napaglipasan na ng isang linggo ang pagsusumite sa mga thesis proposals. Buti nadala ito sa walang humpay niyang pagmamakaawa.
“… at sa pagkaka-engage mo kay Clarke Ashton.”
Nakaramdam siya ng pagkaasar. Hindi dahil sa nagkaroon siya ng kaugnayan sa anak ng pangunahing sponsor ng Rockfield University kundi dahil naalala niya ang araw na pinabayaan lang siya ng mga ito habang kinaladkad siya ni Clarke. Maiintindihan niya kung walang makakapagtanggol sa kanya kung ang dahilan ng mga ito ay takot. Pero nasaan ang takot doon kung kaswal lang na pinag-uusapan ng mga ito ang paglitaw ng anak ng presidente ng ALI?
“Narinig ko na nag-live-in na raw kayo.”
Sa halip na pabulaanan ang maling paniniwala ng mga ito ay nagsubo na lang siya ng isang kutsaritang cake.
“Ah, kinain niya!”
Nagkaroon na ng bulung-bulungan sa loob ng laboratory bagama’t hindi malinaw sa pandinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. Sa bagay, alam naman niya kung ano iyon.
Ritwal na sa mga lokong tao sa Physics Department na pakakainin ng strawberry shortcake ang mga bagong kasal na nag-enjoy sa honeymoon. Kung sino mang gago ang nakaimbento noon ay hindi niya alam. At kung sino man ding gago ang nakaisip na pakainin siya ng ganoon kahit hindi pa siya ikinasal ay ayaw niya ring malaman.
“So, kumusta, Lyrah? Hindi ka ba nasaktan sa first time mo? Was he rough? Gentle?”
“What was he like?”
“What was it like?”
“Mga ulol!” pambabara niya. “Naisip n’yo man lang bang kamustahin ako matapos looban ang bahay ko na muntik ko nang ikamatay?”
Iyon ang ini-orient sa kanya ni Casper nang tawagan siya nito. Ayon sa lalaki, ikinalat daw nito na robbery ang nangyari. Pinaniwalaan naman iyon ng mga kapit-bahay kahit na nagdalawang-isip pa siya sa pinalabas ni Casper. Alam ng lahat na mahirap lang siya kaya baka walang maniwala na may mananakaw sa bahay niya. Hindi niya alam kung ano ang idadahilan kung siya ang tatanungin. Kahit na alam niya kung ano ang pakay sa kanya ng kriminal ay hindi niya iyon maaaring ideklara sa buong mundo.
Hindi sa ngayon. Pero balang araw.
Malabo pa ang isip niya. Wala siyang ebidensya at ang taong maaari niyang pagtanungan ay ayaw naman siyang sagutin.
“Ligtas ka naman, diba? In fact, mukha ngang hindi ka na-trauma. At nakatira ka pa sa isang bubong kasama si Clarke.”
“At may nangyari na sa inyo! Ano pa ang inirereklamo mo?”
Ibang klase talaga ang mga taong 'to. “Walang nangyari sa amin. My house is under renovation,” she meant “not safe”. “And I was offered a temporary shelter.”
BINABASA MO ANG
Ashes Trilogy - Thunder Under Blue Skies
RomanceLyrah is a science geek, a software enthusiast, and also an insomniac; wide awake at night and likes to sleep especially on a sunny day. Minsan ding naturingang problem student dahil madalas natutulog sa mga lectures. At twenty-three years old, saka...