IX

56 4 0
                                    

MALIIT na kwarto na may apat na sulok ang namalayan ni Lyrah. Walang ibang furniture doon kundi kama na may dalawang unan at isang comforter, at estanteng walang laman. Isang computer set na may malaking monitor ang nasa isang sulok malapit sa higaan. Nakaandar iyon at makikita ang default desktop ng MAC OSX.

Sa halip na magtanong sa pinagdalhan sa kanya ay mas inaalala niya ng sugat sa kanyang binti. Ang sakit mula noon ang nagpagising sa kanya. Nang magkamalay siya kanina ay umaagos na ang dugo sa sahig habang nakamasid lang sa kanya si Mr. Elizarik na nakaupo sa swivel chair.

Walang salita itong lumapit sa kanya. Tuluyan nitong ginupitan ang napunit niyang pantalon hanggang sa tuhod upang makita ang laki ng sugat na nakalinya sa kanyang binti. Lumubha ang sakit at sumabay noon ang pagpilipit ng kanyang sikmura. Parang mawawalan uli siya ng malay nang makitang halos sakupin na ng dugo ang kabuuan ng kanyang binti.

Pinunasan nito ng bulak na may alcohol ang kanyang sugat at napigilan niya ang hininga hindi lang maramdaman ang hapdi, na wala ring silbi. When it was cleaned she found it to be a nasty cut. How deep it was she didn't know. Dahan-dahan nitong binalot ng plaster ang sugat na sinundan ng bandage. At sumasakit sa tuwing masasagi iyon.

"Can you walk?"

"I can't even stand."

"That's good." Nang matapos ito ay bumalik ito sa swivel chair at nagsindi ng sigarilyo.

Hindi niya alam kung bakit mabuti iyon. Ngunit hindi na niya inisip kung mabuti o masamang tao si Makovrii Elizarik. Nawala ang nerdy at inosente nitong aura at seryoso na ang mukha nito. He blew a smoke and it made him look sinister. She decided then that he is a bad guy.

"Anong ibig sabihin nito, Sir Mak?" she still asked despite the situation. Hindi na niya rin iniisip kung naiintindihan ba siya nito.

"We kidnapped you. At wag mo nang isiping tumakas. I purposely wounded you so that it will be hard for you to escape. At kung makalabas ka man, hindi ka rin magtatagal sa lugar na pinagdalhan ko sa 'yo. You are currently in Siberia. Aside from this place being ice cold, you have no identity here. If I reported your illegal presence to the government, it will be your demise. So see? Escaping is futile."

Kidnapped? Siberia? And "we"? Anong klaseng mga tao ito? Ngunit sa kabila ng kanyang pagka-alarma at sakit sa kanyang binti ay pinilit niyang huminahon. "Bakit? Anong kasalanan ko sa inyo?"

"Kasalanan? Mas nararapat sabihing 'silbi'. At alam mo kung ano, diba, Miranda?"

"Lyrah ang pangalan ko, Sir Mak. At wala akong naaalalang nasangkot ako sa isang organisasyon—"

"You are the daughter of Prospero, the one who summoned the Tempest."

Maliwanag na tinutukoy nito ang kwento na gawa ni William Shakespeare. "Wala akong panahon sa mga role playing game mo, Sir Mak. Kaya utang na loob, pakawalan mo ako."

Isang beses itong tumawa. "You're a boring cold girl. Role playing aside... naiintindihan mo naman kung ano ang ibig sabihin ko, diba?"

Tama. Siguradong ang orihinal na Tempest ang hinahanap nito katulad noong taong nanloob sa bahay niya. "Wala sa akin ang Tempest," pagsisinungaling niya.

"Wala akong pakialam kung nasa iyo ngayon o wala. If I was interested, I wouldn't have kidnapped you and just searched for it in your house or somewhere, don't you think?"

"Makovrii Elizarik... who are you?"

Ngumiti ito. "Now you asked. I'm a physics teacher."

"Physics teachers don't abduct. You're Ukranian but you speak my language fluently —"

Ashes Trilogy - Thunder Under Blue SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon