VII

77 3 0
                                    

HE CAME like a storm one peaceful day of her summer.

“Lyrah, I love you. Marry me.”

Like a god who cannot be denied.

“I’m Clarke Ashton, you shrimp. And if you’re not going, I’m gonna drag you with me by force. Scream, for all I care.”

So she became his fiancée without her agreeing.

“Isuot mo na 'yan sa lahat ng panahon. I don’t care how you interpret it. I’m giving it to you to mark my ownership of you. Kaya wala kang karapatang tumanggi.”

Matatanggap na niya sana ang mga nangyayari kahit masyado siyang nabibigla sa mga panggugulo nito. Pero pati ba naman sa bahay ko makikisiksik ka pa rin?

Gusto niya iyong ibulalas kay Clarke na kasalukuyang binabagyo ang kanyang kusina.

Umuwi na siya sa bahay niya sa Villa Demetria nang masiguro ni Casper na plantsado na ang lahat. Hindi sana siya papayagan ni Clarke na walang sinabing dahilan. Ngunit malaki naman ang kutob niyang nag-aalala lang ito. Wala naman itong magawa sa kanyang pagbalik. Ayaw niyang magpapigil dahil hindi nga siya komportableng dalawang oras na bumyahe mula sa condo nito para lang makarating sa paaralan, kaya pumayag noon si Clarke. Ang hindi lang niya inaasahang gawin nito at hindi niya rin kayang pigilan ay ang sapilitang pagtuloy nito sa bahay niya. Kung meron mang mga body guards na umaaligid sa bahay ay hindi niya napansin. Bahala na rin kung ganon, ang mahalaga hindi sila mahalata ng mga kapit-bahay. Kahit alam na ng mga ito na mayaman ang nobyo niya ay wala pa rin namang ideya ang mga ito kung gaano ito kayaman. Maski siya ay wala.

“Lyrah, kain na.”

Noon niya naamoy ang mainit na ulam na inihain nito sa dining table na malapit lang sa sala. Sa liit ng bahay niya ay kusina at bedroom lang ang mga silid doon.

Tumayo siya at lumapit sa mesa. Nag-uusok sa init ang ulam na si Clarke mismo ang nagluto. Nasurpresa na siya kanina nang sabihin nito na ito na ang magluluto, hindi niya alam na mamamangha pa pala siya sa ulam na ihahanda nito.

“Pansit?”

“Hindi ko 'yan nilagyan ng carrots kahit hindi magandang tingnan ang pansit canton na walang carrots kaya wala kang itatabing sahog, naiintindihan mo?” anang lalaki.

“Alam mong hindi ako kumakain ng carrots?”

“S-Sabi ni Casper,” iniwas nito ang mukha.

“Ehhh?” panunuya niya sa mahinang boses. “Paano mo nagagawang magsinungaling sa kalasingan mo?”

“Hindi ako lasing,” giit nito. Naabutan niya itong may iniinom na alak kanina pagdating niya at namumula na ang mukha.

Nagkibit lamang siya ng mga balikat saka umupo sa harap ng hapag. Umupo naman ito sa sofa at hinalungkat ang ilang American Journals in Applied Physics na hiniram niya sa department, sa magulong center table ng bulwagan.

“Ah, ang sarap, Clarke!” halos maluha niyang bulyaw. “Naiinis ako. Paano mo napapasarap ang simpleng pansit sa kalasingan mo?”

“Sinabi nang hindi ako lasing. Hindi ka pa dalawa sa paningin ko. Wag ka ngang OA.”

“But I’m so pissed off, why don’t you lose some teeth?”

“Hah! Isa yata akong henyo. Mapalad ka at natikman mo ang luto ko, bansot.”

“Maraming salamat, Kamahalan. Ginamit mo ang ginintuan mong mga kamay para ipagluto ang hamak mong tagapagsilbi.”

“Tama, tama. Kaya dapat ipagtimpla mo ako ng kape mamaya. 'Yong Darjeeling.”

Ashes Trilogy - Thunder Under Blue SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon