PARANG maze ang dinaanan nila ni Lyrah sa paglalakad nila patungo sa exit ng gusali. At bawat pag-apak ay nagdudulot ng matinding sakit sa kanyang sugat. Ngunit kahit malayo ang pinanggalingan ay gusto niyang bumalik doon upang alamin ang kalagayan ni Clarke. Pero ano naman ang magagawa niya? Bukod sa babae siya at sugatan, isang organisasyon na wala siyang ideya kung gaano kasama ang haharapin niya. Nabatid niyang sakop din ng mafia ang kinabibilangan ni Makovrii kahit hindi nito iyon kinumpirma sa kanya, ayon na rin sa pinag-uusapan ng mga ito.
"Bumalik tayo." Huminto siya sa paglalakad.
"Ano?" napatingin sa kanya ang umalalay sa kanya.
"Balikan natin si Clarke."
"Nababaliw ka na."
"Baka binubugbog na siya ngayon." Mahigpit siyang napahawak dito. "Hindi pa siya magaling, diba? Hindi pa siya handa sa ganitong sitwasyon. Kailangan natin siyang iligtas."
"You heard him, miss. He chose to stay in your place—"
"Tawagin mo 'yong sakripisyo pero hindi ko 'yon ikinatutuwa," putol niya. "You. You're his sworn colleague, right? No. You might even be his blood brother. Kaya bakit ka pumayag na maiwan siya? Bakit hindi mo man lang siya sinubukang pigilan? Do you not worry at all? How could—"
"Of course, I worry. If I didn't know the situation, I would have stormed curses and mockery on him. Siya ang pinuno ng Rocchelli at baliw siyang isuko ang kalayaan niya para sa isang babaeng namumuhi sa kanya. But what kind of lover can stand looking at his woman in hurt and fear? If it will happen to me, I'll never know what I'd do."
Then what am I suppose to do? Paano na si Clarke? He hasn't even fully recovered. And yet... and yet...
Mga yapak lang nila ang naririnig niya. Kung naroon man ang mga alagad ni Makovrii na lihim silang sinusubaybayan, baka ang mga taong iyon lang yata ang naroon at wala nang iba. Walang isinama si Clarke kundi ang kapatid nito.
Paano niya ito babalikan?
Nakalabas na sila sa gusali at bumungad sa harap niya ang puting mantle ng nyebe. Hindi mahangin subalit masyadong malamig pa rin ang paligid. Ngunit nabalewala niya iyon dahil lalong sumakit ang dibdib niya sa pag-apak niya palabas. She's getting farther and farther away from Clarke. Isn't there any way at all to save him?
Tuluyan na sana siyang mawawalan ng pag-asa nang salubungin siya ni Casper upang itakip sa balat niya ang makapal na coat.
"Casper..."
"Nasa tamang pag-iisip ka pa ba?"
Nagulat siya sa tanong nito. Hindi niya alam kung kinukumusta nito ang kondisyon niya o pinapagalitan siya nito. Siya na rin ang napaiwas ng tingin.
"Hindi ko alam—"
"Pull yourself together," mahigpit nitong hinawakan ang balikat niya. "Don't think of anything but saving Clarke."
"Ano?"
"Pwede ko na ba kayong iwan, Casper?" tanong ni Glen.
"Magpatuloy ka na, Glen. At salamat."
Hindi na niya maintindihan ang mga ito. Binitawan na siya ng lalaking naghatid sa kanya at ipinaubaya siya kay Casper habang bumalik ito sa loob.
"Anong ibig sabihin nito, Casper?"
Iginiya siya nito sa kalapit na van ng dahan-dahan bagama't may kaunting pagmamadali. "You see, their grandma is going to have me decapitated if I let them die without offsprings."
BINABASA MO ANG
Ashes Trilogy - Thunder Under Blue Skies
RomanceLyrah is a science geek, a software enthusiast, and also an insomniac; wide awake at night and likes to sleep especially on a sunny day. Minsan ding naturingang problem student dahil madalas natutulog sa mga lectures. At twenty-three years old, saka...