EPILOGO

91 3 4
                                    

"AFTER LIFE... kung meron mang ganoon, gugustuhin kong bumalik dito at masdan siyang mapayapang natutulog sa ilalim ng puno, sa maaliwalas na araw ng taglagas."

Ibinuka niya ang mga mata pagkatapos balikan ang mga salitang iyon ni Prospero noong huli nilang pag-uusap bago ito mamatay. He was dying at that time, but he didn't show pain.

He was already suffering with colon cancer but he didn't understand why he chose to help him instead of undergoing treatment and extend his life for his daughter. Until he finally explained to him one day before he was shut.

"Walang silbi ang pagpapa-chemotherapy. Mamatay na rin ako agad kaya gumagawa lang ako ng kapaki-pakinabang na bagay bago mangyari 'yon."

"Pero dahil sa akin, mas umiksi ang buhay mo..." ramdam ni Clarke ang paninikip sa dibdib.

"Wag mong sisihin ang sarili mo. I was not just doing this for you. This is also for my daughter. I am actually asking you a favor, Clarke. Lyrah is smart—no—she might follow my footsteps someday, or yours. You know she's been reading your papers that I brought home, right? Nakakatuwa na naiintindihan niya ang mga komplikadong pag-aaral sa murang edad. At nagkakainteres pa siya. Pero natatakot akong dalhin siya ng mga natutunan niya sa panganib. This is a cruel and greedy world and someday... someday someone will chase after of her.

"You're a genius too, but you're rich. Your father can protect you. Rocchelli can protect you. Pero ako, mawawala ako ng maaga at sinong may alam kung ilang araw na lang ang natitira ko. Maiiwan si Lyrah na nag-iisa dito. Hindi siya mapoprotektahan ng kanyang ina. Kaya pakiusap... tanawin mo itong utang na loob at wag mong pababayaan ang anak ko kapag wala na ako.

"Please look after her. Clarke, keep her safe in my stead."

Umihip ang hanging may katamtamang lakas kaya hindi masyadong mainit ang panahon sa pasado alas-diyes ng umagang iyon. Sa isang talampas ng Rockfield University sa tabi ng daan na may nakahilerang bench, nasa ilalim silang dalawa ng malaking kahoy. Nakaupo si Lyrah sa bench habang minamasdan ang masiglang palengke sa malayo. Iilang estudyante lang ang dumaraan dahil masyadong matarik. Malayo rin ang mga guwardiya niya.

Isang araw lang ang nagdaan nang makabalik sila mula Russia kaya pareho silang may bendahe ngayon. Si Lyrah sa binti nito at siya naman sa ulo. He would have rested but she was insistent to go out and breathe fresh air.

Isang beses niya itong sinulyapan. Ramdam niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi habang minamasdan itong napapahiban nang may dandelion na dumapo sa ilong nito.

C-Cute.... Agad naman siyang napaiwas nang tumingin ito sa kanya.

"Pinagtatawanan mo ba ako, Clarke?"

"Oo dahil mukha kang tanga."

"Tsk. Even when injured you're still a bully. Can't you get any worse?"

Kinibitan lang niya ito ng balikat habang hindi pa rin ito tinitingnan.

"Well, putting that aside... you might want to spill everything out now."

Natigilan siya saka huminga siya ng malalim. Mukhang hindi na talaga maawat ang sandaling iyon. That was her purpose all along. To listen.

"I was twenty one when I had gotten interest in Nuclear Physics," panimula niya. "ALI was a shipping company transporting arms to different countries, you know. So I was exposed to the concept of weapons and got interested of it. Kaya nagpatuloy ako ng Master's degree sa Nuclear Physics.

"Tungkol sa nuclear fusion ang thesis ko, kung anong mga atomic particles sa kalawakan ang nag-uugnay gamit ang enerhiya mula sa araw. Linapitan ko ang ama mo para gawing advisor. Prospero being a software engineer was a big help since I was going to gather data through computer simulations. Nagtagumpay ako at inaprobahan ang thesis ko. Pinakiusapan pa nga ako na ipresenta iyon sa isang international symposium.

Ashes Trilogy - Thunder Under Blue SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon