II

112 5 0
                                    

COLLEGE of Arts and Sciences. Office of the Dean. Iyon ang nakikitang signboard ni Lyrah bago siya ipinasok sa silid na iyon. The jerk had just dumped her on the sofa and slumped on another chair for his own comfort.

Sa pitong taon niya sa kolehiyo, hindi pa siya nakakapunta sa opisina ng mismong Dean at lalong hindi pa niya nakikita ang Dean. Siya at ang lalaking dumukot sa kanya, silang dalawa lang ang mga tao sa opisina. At natatakot siyang isipin na ang lalaking ito na nagpakilalang Clarke Ashton ay ang mismong Dean, kung hindi siya nagkakamali.

Sana mali ako. Sana mali ako.

It was sort of unbelievable though. She had not seen the Dean but her idea of college heads is that they are old and eyeglasses people who always had suitcases clasped in their hands and has “I am a teacher” written all over their faces. And not some gorgeous and proud rich kid that looks like a mafia boss because of the men in black following after him.

Maliban na lang kung isa ito sa mga kababalaghan ng kalikasan na pinagpala ng ekstraordinaryong katalinuhan kaya nakarating sa ganoong estado sa murang edad.

Hindi. Imposible 'yon. Hindi nagkukulay ng buhok ang mga dean, at kung mangyari man, hindi sila magkukulay ng blue. Pero paano nga kong tama ang mga hinala niya? Paano kung kaya nitong baluktutin ang nasanayan ng mga tao na hitsura ng isang professor? Sana mali ako. Sana mali ako. Sana mali ako.

Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking naghahabol dito kanina. Noon lang din niya ito natingnan ng maayos. Blond ang buhok nito. Matangkad ito at tama ang tindig. Naka-business suit din. He even had visible pierces on his ears at closer look, and only one ear lobe bore two small, red gems. He must had some past. Ngunit sa kilos nito, hindi nagbago ang impression niya na matino itong kausap.

Kung hindi lang niya narinig na magsalita ang mga ito, iisipin niya talaga na mga banyaga ito. They spoke with no trace of foreign tongue.

Humarap sa kanila ang lalaki at sa ilang segundo, nakitaan niya ito ng pagkamangha nang makita siya pero parang naliwanagan naman ito at napapasukong kinausap si Clarke. “Really, ano na namang ibig sabihin nito?”

“Ah, that?” saglit siyang sinulyapan ni Clarke. “Masyado siyang maingay kaya...”

“Whatever you say—you’re in no reason to tie her and feed her cloth! Mukha kang kidnapper.”

Tama ito. Her hands are tied on her back as well as her feet to restrict her hysteria while a handkerchief—from Clarke’s pocket—has gagged her to silence her screaming mouth. She took it back when she believed that he was arrogant and proud. He’s ruthless and demonic!

“I’ve been one ever since I took her awhile ago. Kaya hindi na ako matitinag sa mga patutsada mo.”

“You’re twisted.”

“Whatever, Casper. Dala mo ba ang ipinakuha ko sa sasakyan?” anito na nakapikit ang mga mata habang minamasahe ang noo.

“Oo,” linapitan siya ng tinatawag na Casper. “Pasensya ka na, Miss Espania. Sana patawarin mo ang gago kong kapatid.”

Umiling siya para sagutin ito ng “hindi”.

“Mas mabuti. Just crack his head for me.”

Napataas siya ng kilay dahil hindi niya maintindihan ang sinabi nito. Are they in some sort of a fight?

“But do that later. Sa ngayon, meron tayong mahalagang pag-uusapan. Kakalagin ko ang mga tali mo basta ipapangako mong hindi mo susubukang tumakas at mahinahon ka lang na makikinig sa amin.”

Tumango siya.

Isa-isa na nitong tinanggal ang tali sa mga kamay pati na ang nakabusal sa bibig niya. Nang makawala ay itinulak ni Lyrah ang lalaki at mabilis na tumakbo palabas ng opisina.

Ashes Trilogy - Thunder Under Blue SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon