I

199 4 2
                                    

SA DULO ng silid ng laboratory sa tabi ng glass window ang kanyang puwesto na sadya niyang pinili upang madaling masilip ang labas. At sa alas-dos na hapong iyon ay hindi niya maiwasang mapasulyap sa tanawin kahit na meron siyang ginagawa. Asul ang langit at tinatangay ng hangin ang mga tuyong dahon. Gusto niyang lumabas at umidlip sa ilalim ng puno ngunit marami pa siyang dapat tapusin lalo pa at meron siyang hinahabol na deadline.

            Deadline. Awtomatiko siyang tumipa sa keyboard ng computer. Bwisit na deadline. Nagsi-siesta na sana ako ngayon.

“Lyrah, hinay-hinay lang,” wika ni Randolf habang may hinalungkat na journal sa bookshelf malapit sa kanya. “Sa mga oras na 'to, naaabutan ka na naming tulog, pero mukha ka yatang nakainom ng isang baldeng kape ngayon. Ano bang nakain mo?”

“Wala,” walang gana niyang tugon habang walang tigil sa katitipa sa keyboard ng computer. And shut up. I’m really suffering from sleepiness now, geez.

“Huwag ka na lang kakain para masipag ka lagi.”

“Gago,” ani Lyrah. “Wag mo akong kausapin, busy ako. Sa Lunes na ang deadline ng proposal ko.”

Nagkibit lang ito ng balikat habang pinakli ang mga pahina sa nakuha nitong volume.

Inikot niya ang tingin sa paligid para lang malamang napapasulyap nga sa kanya ang pitong taong naroroon. Hindi na siya nagtaka o naasar. Hindi naman niya masisisi ang mga ito. She was known for her slothfulness. Kaya kababalaghan nga siguro sa mga ito ang makita siyang magsipag sa pag-aaral.

Lyrah Espania, an irregular student in the Physics Department, is already twenty-three years old yet still stuck in her undergraduate studies. Hindi dahil nagpalipat-lipat siya ng kurso o kaya ay bobo para hindi makapasa sa mga subjects—wala pa naman siyang naibagsak na subject kahit papa’no—hindi lang talaga niya kinukuha ang lahat ng subjects na ini-offer bawat taon, at lalong hindi niya pinapansin ang mga minors.

Fortunately, she’s finally in her last year. Naisip na niya kasing “magseryoso” pagkatapos ng masinsinang usupan nila ng department chairman.

“Ilang taon ka na nga pala, Lyrah?” naisingit nito habang binabasa ang mini-thesis niya. Nilapitan niya ito para gawing adviser sa thesis at bago ito pumayag ay humingi muna ito ng sample sa mga gawa niyang research, at iyon ang kasalukuyang binabasa nito ngayon.

“Twenty-three, Sir.”

“Twenty-three,” pag-uulit nito habang iniayos ang pagkakaupo sa swivel chair saka minasdan siyang mabuti. “Seriously… when do you plan to graduate?”

Natigilan siya sa mga sandaling iyon. Alam niya na hindi ito masyadong nag-iisip ngunit ramdam niya pa rin ang panunuya sa mga salita nito, lalo pa at wala talaga siyang maisagot—ngiti ng tanga lang ang itinugon niya. Hindi nga niya naisip ang magtapos. It may be ridiculous but she had forgotten that she’s a student who needs to graduate.

Naintindihan naman niya agad kung bakit humantong pa sa punto na ang chairman na mismo ang umusisa sa kanya tungkol pag-aaral niya. Marahil ay walang maniniwala pero ang totoo, kahit pa sa umano’y katamaran niya ay scholar siya ng Ashton Logistics Incorporated—isang kompanya na pagmamay-ari ng pamilyang Ashton na founder ng eskwelahan. Ngunit sa hindi ipanaliwanag na dahilan, hindi pa man siya nakaapak sa university ay ideneklara na nito ang pagkalas ng ganap na paghawak nito sa pamantasan. Ngayon ay pangunahing sponsor na lang ito sa paaralan. Honestly speaking, she had a fair amount of brains inside her despite belonging to the lower class. Aside from the tuition and monthly allowance, ALI—the company insisted it be said as “A-L-I” and not “älee”—is allowing her to manage her schedules as long as she will work for them after her graduation for the same number of years that the company paid for her studies.

Ashes Trilogy - Thunder Under Blue SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon