I am Heaven Saavedra, the heiress of Saavedra Corporation. People knows me as the perfect daughter every parents could ask for. Intelligent and beautiful, always getting what I want. Hindi ako yung typical na spoiled brat, acting like the Queen bee and looking towards people like they're so much lower than me. I'm just being myself, blunt but considerate. Pinalaki lang siguro akong ganito and I always agree to the idea that it is not bad to be myself as long as I am happy at wala akong natatapakang tao.
"You did a great job Heaven darling, Top 1 ka parin at hangang-hanga sayo mga professors mo. Mana talaga sa akin ang darling ko sa pagiging deans lister. You always make your Mama proud anak" madamdaming pahayag ni Mama.
"Basta't di magboboyfriend at palaging tututukan ang pag-aaral, I know malayo ang mararating ng Unica hija natin, Honey. Mana kaya iyan kay papa sa pagiging matalino, mabait at maganda." segunda ni papa.
Iyan na naman po sila, laging nagtatalo sa kung kanino talaga ako nagmana. Having my parents is such a blessing from above.
"I'll do my best Mama and Papa, total you always give me what I want. I so love you. Hindi ko po kayo bibiguin."
Init ng yakap at ngiti ang isinagot nilang dalawa sa akin. I can get what I want sa isang salita ko lang. Lahat ng hilingin ko ay napapasaakin, I have my friends and families who always supports me. Masasabing perpekto na raw ang buhay ko pero bakit pakiramdam ko ay palaging may kulang. May kulang ngunit di ko alam kung ano.
Muntik na akong makatulog ng biglang magring yung phone ko. Ano na naman ba ang kailangan sa akin ng chakang pera. Natatawa kong isip.
"Bruhilda ka talaga Heaven, nasaan ka na at hindi kita macontact?" Penny uttered.
"My goodness, nagbibihis na po ako chakang penny. You know I want to be beautiful tonight. Hindi ako pahuhuli sa inyo no."
Salita ko habang nagmamadaling pumili ng susuotin. Baka pagnalaman niyang nakahilata pa lang ako kanina ay banggain na lang bigla ang mga precious Porsche ko.
"Ewan ko sayo kung hindi lang talaga kita kilala, hindi ko aakalaing deans lister ka. Basta't bilisan mo because we're getting drunk tonight. We will enjoy this wonderful night." Tatawa-tawang sambit niya.
Anong connect ng pagiging deans lister ko sa pagiging late, hay nako mukhang may tama na si pera.
I immediately ended the call because I have so much thing to do and prepare. Hindi pa aabot sa isang oras tapos na akong pumili ng susuotin kong damit."Ma, alis po muna ako. Penelope wants to meet me at the bar. Kasama naman daw sina Tiffany at Becca. Girls night out daw po, we will celebrate dahil deans lister parin kaming apat."pagmamadaling pagpapa-alam ko kay Mama na nasa kusina.
"Palaging mag-iingat anak ha, huwag magpapalapit sa boys at huwag iinom ng marami. Alam mo namang mahina ang alcohol tolerance mo." paala-ala ni papa habang nanunuod ng TV.
BINABASA MO ANG
Assaulting Heaven
RomanceYou only have yourself and the unexpected gift, will you still willing to take a risk even though you are already broken? Meet Heaven Saavedra, the woman that looks so strong but deep inside, pain is killing her. What will happen if she meet Dominic...