Pagkatapos naming magpahinga at mag agahan napagpasyahan naming pumunta sa batis na pagmamay-ari ng pamilya nila. This place was magical, wala kang maipipintas. Nagtatasan ang mga puno habang namumukadkad ang ilang kulay ng rosas. If only I could stay here forever ngunit hindi, dahil may sarili rin akong buhay na iniwan sa Manila.
Nagdala kami ng makakain ng sa gayon kahit hapon na kami makauwi.
Tila tinatawag kami ng lagaslas ng tubig, napakasarap pa ng simoy ng hangin ang hindi ko lang maintindihan, private property to nina Penny pero bakit may naririnig akong mga lalaking nag-uusap, merong pang nagtatawanan.
Shit na malupit!
Hindi pa napapansin ng tatlo dahil busying busy sila sa pag-uusap, eh puro lalaki na may mala bato-batong katawan ang mga type nila.
Nahuhuli ako kaya ng tumigil sila, ay nabunggo ako sa likod ng mga bruhilda.
"Ano ba! Para kayong traffic sa Manila. Hindi umuusad, tabi nga at mauuna ako!"
"Adonis sa gitna ng batis, may mapupulang labi at matingkad mong ngiti."
Hindi ko pinansin ang pagiging baliw nila, para silang nakakakita ng multo eh kakaaga-aga. Tuloy-tulay lang ako sa paglalakad habang may hinahanap sa bag ko ng may mabunggo akong poste.
Katangahan is real!!
Nang humarap ako, parang gusto kong tumalikod at tumakbo. Bakit nandito ang mga ungas na nakilala ko sa Bar. Nadala ko pa ang pagiging malas ko dito sa probinsiya.
Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko para makasigurado, baka kako namalikmata lang ako.
"Hello Heaven, we're really meant to be. Tinadhana talaga tayo kita mo na at hanggang dito pa sa probinsya. 7 billion people in the world pero ikaw yung nakaharap ko." Nakangisi niyang sambit.
Wala akong maapuhap na salita kaya tumalikod ako at hinihila sina Penny para makaalis na kami. I can't take to be with them especially him. Ang pinakanakakairitang taong nakilala ko.
Wait a minute!
"Hoy, Bulldog na ungas, na walang hiya. Bakit ka nandito?"
"Pin-"
"Hanggang dito ba naman. Hindi naman naibalita na may pagkalakas-lakas pa lang bagyo na darating."
"Signal number 11, may dalang ipo-ipo, pagbaha at pagguho ng lupa!"
Sinisiko ako ni Penny habang hinihila ang damit ko.
Nahahapong tumigil ako sa pagsasalita. Nang tinignan ko siya ay nakangisi ang bulldog na hinayupak.
"Hmm, Heaven meet my cousin Dominic."
Shit! Sa ilang taon naming pagkakaibigan bakit hindi ko alam to. Nagsink-in sa akin ang mga pinagsasabi ko kanina.
If they are blood related so it means he have the right to be here. Nakakahiya!
Dear lupa, kunin mo na ako!
Nang tinignan ko pabalik ang Domonyo ay tila may hinihintay siyang marinig sa akin. Asa siya no, I won't apologize to him because I know he deserved it. Dahil wala naman akong sasabihin ay dumiretso na lang ako sa gilid ng pangpang para ilagay yung mga gamit ko.
Binalingan ko sila na patuloy paring nakatanga sa akin.
"Diyan na lang ba kayo. Enjoy niyo yung pagtayo at pagtunganga."
Dali-dali naman na lumapit sa akin ang tatlo habang may mga ngising kay sarap hampasin.
"Pag hindi pa kayo tumigil may kalalagyan kayo sa akin!"
Naiirita kong sambit, kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa pinaglalamayan ang tatlong to.
Meet Dominic de Villaflor a.k.a "Domonyo ni Heaven" Ayyiee! Hahaha...
BINABASA MO ANG
Assaulting Heaven
RomanceYou only have yourself and the unexpected gift, will you still willing to take a risk even though you are already broken? Meet Heaven Saavedra, the woman that looks so strong but deep inside, pain is killing her. What will happen if she meet Dominic...