Chapter 5

59 40 3
                                    


Pagkatapos ko silang ihatid, bumili muna ako ng sundae and fries, pampakalma sa kumukulo kong dugo. Tulog na si Mama and Papa ng dumating ako kaya si Ninay Nelly na lang iyong nagbukas ng gate.

"Ninay, hinintay niyo pa ako dapat natulog na kayo at gabing-gabi na oh."

Hindi talaga nagbabago si Ninay, mula pagkabata ay ganito na siya. Hindi siya nakakatulog kapag alam niyang hindi pa ako nakakauwi. Hindi pa ako ipinanganak ay kasambahay na siya rito kaya hanggang sa magdalaga ako ay dito na siya namalagi, buo kasi ang tiwala ng mga magulang ko sa kaniya.

"Ikaw talaga anak, alam mong nag-aalala ako tuwing ginagabi ka ng pag-uwi."

Matamis akong ngumiti sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Siya na kasi ang tumayong pangalawang ina ko kaya hindi ko siya masisisi kung ganito siya sa akin.

"Mahal na mahal talaga ako ni Ninay, I love you po."

"Sige na anak, akyat na para makapagpahinga ka."

***

Habang nakahiga ako hindi maalis-alis sa isip ko ang mukha ng lalaking yun. He was so handsome, maputi, mapupungay ang mga bughaw na mga mata na tila nangungusap kapag tinititigan mo and he was so tall kaya mamaattract ka talaga sa kaniya. Hambog nga lang kaya nakakaturn-off.

Hindi ko mapigilang kiligan kaya mas minabuti kong itulog na lang ito. Two-months pa bago magpasukatan kaya mahaba-haba ang magiging bakasyon ko.

"Sleep tight Heaven, forget that badass man."

Assaulting HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon