Chapter 6

48 37 1
                                    

Pagkagising ko hindi ko na naabutan sina Mama, pumasok na daw sabi ng kasambahay naming si Inday. Mag-isa na naman akong kakain, nakasanayan ko na kaya okay lang. Wala akong maisip na gawin, napakaboring talaga ng buhay kapag walang klase!

Tinatamad naman akong lumabas kaya titihaya na naman ako buong maghapon. Naisipan kong maglog in sa Instagram, hindi ako mahilig gumamit ng mga ganitong bagay. I want some privacy!

Dominic de Villaflor Followed You!

Biglang nagpop sa notification ko, uminit bigla ang ulo ko ha. Masamang hangin ang hatid.

"Amp, paano niya kaya nalaman ang account name ko, may pagkastalker pala ang ungas."

"Naiinis ba talaga ako, eh bakit yung ngiti ko abot tenga na, hahaha." nababaliw kong pagkausap sa sarili.

In fairness, napakapogi niya talaga at sikat na sikat ha. Hindi halata, Charrot!!!

Dominic de Villaflor (10, 597- Followers, 15- Posts, 15- Following)

"Wow, bongga namang followers to, tinalo pa niya ang mga sikat na artista. Ginayuma siguro sila ng tukmol kaya kahit kaunti posts niya, libo-libo pa rin ang followers niya."

While looking at him on his profile picture, I couldn't help myself to be mesmerized. He looks angelic, good boy na good boy talaga ang postura niya pero sa loob pala ang kulo.

He was an elite at mostly sa mga followers niya ay artista o hindi kaya'y singer.

"Wait!"

"Si dean to ah, my goodness mother pala niya. Akala ko nagkatuon lang na may similarities sila iyon pala kadugo niya. Ang layo ng ugali nilang dalawa ha, baka ampon tong si Dominic."

Napaisip ako bigla, ayon imagination talaga ang limit. May ampon bang magkapareho ang mukha, siguro pinaglihi lang talaga siya sa animalss. Noong isinabog ang kayabangan siguro gising na gising siya, nasalo niya kasi lahat eh.

Hayaan na nga lang, hindi siya ganoon ka importante. Magsisindi na talaga ako ng kandila ng sa gayon ay maipanalangin kong iyon ang una't huli naming pagkikita.

Assaulting HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon