Chapter 9

48 33 0
                                    

Sinalubong kami ni tita at niyakap isa-isa. Tita Cynthia Samaniego was a very fine and beautiful woman. Napakabait pa at masayahin. She's been very kind at itinuturing niya kaming mga anak niya na rin.

"Oh my darling Penny, you're already here. Hindi man lang nagtext si Manong Naldo." Tita Cynthia uttered.

Nagtatampo niyang tinignan si Manong Naldo na kakamot-kamot sa kaniyang ulo.

"Don't mind it na lang mga anak, we should get inside para makapagbihis na kayo. Tatawagin ko na lang kayo maya-maya para mag-agahan. Alam ko kasing maaga pa kayo binulabog ng batang ito."

Penny hugs her mother and look at her innocently. Kung kami ang kaharap parang palaka ni tinubuan ng sungay pero kapag nandito na sa kanila parang tuta sa sobrang kainosentehan at kabaitan.

Nakita niya akong nakatingin sa kaniya habang nakataas ang kilay, tila hindi makapaniwala sa pinaggagawa niya. Inirapan niya lang ako sabay balik ng tingin sa kaniyang mimi. Hindi parin tinatanggal ang pagyakap sa bewang nito.

Kung ganito lang sana kami nina Mama't Papa, ako na siguro ang pinakamasayang babae ngunit busy sila eh. Malaki ang responsibildad na nakaatang sa kanila, mahirap man but I accepted it. Alam kong ginagawa nila ang lahat ng iyon para sa akin. They only wanted what is the best for me.

"Mimi talaga, kaya nga love na love kita eh."

Napangisi kaming tatlo, nakakapanibago talaga ang babaita. Hahaha

"Mabola ka talagang bata ka, hala sige umakyat na kayo at malapit na matapos yung ipinahanda kong agahan kay Manay Ninda."

"Inday tawagin mo ang iba pa para may magbuhat ng mga bagahe nila."binalingan niya ang kasambahay na nakasunod sa kaniya.

"Darling, ikaw na ang bahalang maghatid sa kanila ha. May tatlong kwarto akong ipinalinis, katabi ng iyo. Bahala na kayong pumili kung alin ang inyo doon."

"Okiesh Mimi, I love you!"

Shit ang sweet ng putakte!

Assaulting HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon