CHAPTER 1

464 27 0
                                    

Halos idikit ko na ang mukha sa laptop ko. I forced myself to focus on my work. Kasi kahit ano'ng gawin ko ay hindi maialis sa isipan ko 'yong lalaki nakabangga ko sa police station noong nakaraang araw.

"Criminal talaga 'yon? Ano naman kayang nagawa niyang kasalanan?" tanong ko sa sarili.

Napakagat labi ako at napakamot pa sa ulo.

"Sure na 'yon? Criminal talaga siya?" pag-uulit ko pa.

Paano 'pag binalikan niya ako? Nainis kaya siya do'n sa sinabi kong panget siya? Hala! Paano kung hindi niya kalimutan 'yon? Now this is great! Natatakot na ako.

Bakit kasi napakaisip bata ko sa part na 'yon?

"Wahh! Nakakainis! Ano ban—"

RINGGGGGGG

Agad na nahinto ang pagsasalita ko nang biglang mag-ring ang phone ko. Chineck ko iyon, at napangiti ako nang makitang si Aiden ang tumatawag. Actually Aiden is my cousin.

"Hoy!" Agad kong nailayo ang phone ko sa tenga. Nasa lahi na talaga namin ang maiingay.

"Hoy! Makahoy ka naman!" sigaw ko rin. Buti na lamang nag-iisa lang ako rito sa opisina.

"Pasalamat ka tinatawagan pa kita!" he shouted again.

"Ano ba'ng kaylangan mo?" mahinahon ko nang tanong sa kanya.

"Visit me after your work."

"Eh? Nasaan ka ba? Wala ka bang schedule ngayon? Shootings? Pictorial?"

Kaylangan ko talagang tanungin 'yon. Kasi sympre artista 'yang pinsan ko. Palaging busy, kaya minsan ko lang siya makausap o makasama.

Napabuntong-hininga siya. "Wala, I'm free today!"

Sarap basagin ng phone ko.

"Oh miss mo ako? Kaya pinapabisita mo ako sa inyo?"

"Nope! Basta pumunta ka na lang dito!"

"Hind—"

I pouted nang bigla niya akong binabaan ng tawag. Hindi na ako makakatanggi pa. Pinsan ko 'yon, saka minsan lang 'to maglambing sa 'kin.

Napangiti ako sa isiping 'yon.

After work, nagpunta muna ako sa isang restaurant para magtake out ng makakain. Malawak ang ngiti kong nakatingin sa crew. Nagtaka naman ako nang bigla itong mapangiwi.

"Ito na po 'yong order niyo, ma'am." He handed my order. Tinanggap ko naman agad 'yon. Aalis na sana ako nang bigla itong magsalita.

"Ma'am," he called me so I turned around.

I smiled. "Yes?"

Napakamot siya sa batok at napalunok pa ito.

"Ano?" tanong ko pa.

"M-may gusto po ba kayo sa 'kin?"

My eyes widen, hindi ako makapaniwalang tumingin sa paligid at saka itinuro-turo ang sarili ko.

"What? Ako? Me? May gusto sa'yo? How? Ano'ng nangyare? Bakit mo inisip 'yon?" sunod-sunod na tanong ko.

Napangiwi siya. "Kasi po kanina pa kayo nakangiti sa 'kin tapos titig na titig po kayo." Pahina nang pahina ang boses niya nang sabihin 'yon.

He's unbelievable!

"M-masama na ba'ng ngumiti ngayon?" utal pero galit kong tanong. Parang nais kong sapakin ang lalaking 'to. Napakaignorante naman niya, nginitian ko lang?

"Next time po, ma'am, 'wag niyo pong ngitian nang gano'n 'yong mga taong hindi niyo kilala. Namisunderstand ko tuloy," saad nito.

Parang nag-init naman ang buong katawan ko. Nais kong patikman ng sapak 'tong lalaking 'to. Bakit ba namimisinterpret nila ang pagiging masiyahin kong tao?

I'm Inlove With A Criminal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon