Ares gave me a glass of water. I took it and drank immediately. Nandito kami sa apartment ko. Ayoko namang umuwi sa bahay ng mga magulang ko. Ayoko rin kasing mag-alala si mom. Lalo na't may sakit siya, baka mas lalong lumala 'pag nalaman niya ang nangyari sa 'kin.
"Ano'ng ginagawa mo sa kompanya?" tanong ko.
He sat beside me. "Kasama ko si Jaycen, ipakikilala niya sana ako sa pinsan niyang CEO. Kaso ay nakita kita, hindi ko na natuloy ang pagpunta."
"B-bakit mo ako tinulungan? Akala ko ba ayaw mo na akong makita?"
Napabuntong hininga siya. "Hindi kita p'wedeng iwanan."
I looked at him. "Why?"
"Tsk, bakit ka ganyan makatingin?"
"Huh? May problema ba sa pagtingin ko sa 'yo?"
"Yes, naiinis ako sa mga babaeng gan'yan ang tingin."
"Ano'ng gan'yan tumingin?" naguguluhan kong tanong.
He distanced himself from me na para bang ayaw akong makatabi. "Nevermind"
"Anong nevermind! Alam mo ang gulo-gulo mo! Wala kang kwentang kausap!" sigaw ko.
I forgot what bothered me, dahil sa pag-uusap namin ni Ares.
"Hindi kita p'wedeng iwanan dahil kay Aiden. He's a good friend of mine and he's your cousin."
"Oh? Ano naman kung pinsan ko siya?"
Bumuntong hininga ulit siya na para bang hirap na hirap na magpaliwanag sa akin.
"Tama nga si Jaycen, you're dumb."
Napangiwi naman ako. "Pasalamat ka hindi ako makasigaw ng maayos ngayon."
"Ano 'yong sinasabi mo kanina? Someone secretly taking pictures of you?" tanong nito.
Bumalik na naman ang kaba na kanina lang ay nalimutan ko na. "Yes, may stalker ako at alam kong isa rin siyang employee sa kompanyang 'yon," sagot ko.
"Nareport mo na ba sa pulis 'yan?"
"Yes, actually noong nakaraang buwan pa. May laging nagpopost ng stolen pictures ko sa social media. Unidentified pa kung sino 'yon. Dahil sobrang linis daw ng sources. Wala silang makitang trace kung sino ang nag-upload, or kung ano'ng gamit na phone ng uploader, and anything about him." Umusbong ang takot sa akin. Unti-unti akong napayakap sa sarili ko.
"Maybe kilalang-kilala ka ng taong 'yon," saad niya habang nakapalumbaba.
"Paano mo naman nasabi 'yan?"
He gave me a serious gaze. "Tulad nga ng sabi mo malinis ang lahat. Ibig sabihin planado ang pang-iistalk sa 'yo. Sigurado akong kilalang-kilala ka niya, alam niya kung saan ka nagpupunta. Alam niya lahat ng ginagawa mo. At ginagawan niya ng plano ang lahat ng 'yon."
Mas kinabahan ako sa tuno ng boses niya. Sobrang seryoso kasi niya ngayon.
"P-paano niya nalalaman ang mga ginagawa ko?"
"May CCTV ang kompanya niyo. Baka may access siya ro'n. It's either type ka lang ng taong 'yon o baka naman kaaway mo," sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko. "What? Type ako? B-bakit hindi na lang siya umamin sa 'kin? B-bakit kaylangan pa niya akong gawan ng masama?" sunod-sunod kong tanong.
Bigla niyang inilayo ang paningin sa akin. "I don't know, siguro may mga tao talagang gan'yan. Imbes na maglakas loob na umamin sa taong nagugustuhan niya ay dadaanin na lang niya ito sa kakaibang paraan."
Ang seryoso niya sobra. May pinaghuhugutan ang bawat sinasabi niya. At ramdam ko ang kalungkutan sa boses niya.
Sinasabi niya ito na para bang naranasan niya.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With A Criminal (COMPLETED)
Ficção GeralWhen you love someone, you love the whole person, you will not going to depend on his social status, his past and to his mistakes. You love them as they are and not as you would like them to be. _____ February 4, 2021 - February 13, 2021