CHAPTER 7

277 23 0
                                    

Ayoko na isipin pa ang lahat. Napagdesisyunan ko rin na hindi ako papasok bukas sa trabaho. Gulong-gulo pa ang isipan ko.

"Don't worry about it, stay calm." I looked at Ares. Feel at home siyang nakaupo sa sofa ko. Napangiwi ako dahil sa titig na titig siya sa 'kin.

"H'wag mo nga akong titigan!" I shouted.

He slowly smirked. "I'm not."

"Tch! Umuwi ka na nga. Magsama kayo ni Jaycen hindi mo naman ako dapat tulungan 'e! Kaya ko sarili ko!" walang pag-aalinlangang saad.

He took his eyes off me at saka tumango-tango siya. "Okay, next time hindi na kita tutulungan."

Tumayo siya sa pagkakaupo at saka akmang aalis na. Napatayo rin ako, at nang lalakad sana ako ay agad na sumakit ang binti ko.

"Aray!" singhal ko nang bigla akong mapaupo.

Ares turned back, actually this is the first time I saw him with a worried eyes. Walang sabi itong lumapit sa akin at saka pinagmasdan ang binti ko. Namamaga ang binti ko kaya 'pag tumatayo ako ay sobrang sumasakit.

Akmang hahawakan ito ni Ares nang dagli ko siyang pinigilan. "H'wag! Masakit nga!"

Pero talagang wala siyang pinapakinggan. Agad kong naihawak ang kamay sa balikat niya nang hawakan niya ang binti ko. Simpleng dampi lang ng palad niya pero nagdudulot ito nang sobrang sakit.

"Aray! Sabi ko 'wag!" I shouted.

"Stop shouting! Hindi 'yan nakakatulong!" Nagulat ako nang sigawan din niya ako.

Wuh! Sinigawan niya ako? Seriously?

Hindi tuloy ako nakapagsalita.

"I need to call Aiden," He said.

"B-bakit?"

"Para malaman niya ang lagay mo at masamahan niya tayo sa hospital."

Naalala ko nga pa lang wala siyang kotse. Si Riyan pa ang naghatid samin dito sa apartment ko.

"H'wag! Si Riyan na lang, tatawagan ko siya." Kinuha ko ang phone ko at tinawagan nga si Riyan. Kaso nakailang tawag na ako ay hindi pa rin niya sinasagot.

"I guess wala siyang balak sagutin ang tawag mo," walang ganang sabi ni Ares.

"Wait, si Faith na lan—"

"Tatawagan ko si Jaycen. Kung ayaw mong samahan tayo ni Aiden ay siya na lang." Pagputol niya sa sasabihin ko.

Jaycen! Kapag naririnig ko ang pangalan niya ay kumukulo ang dugo ko!

"Mas lalong ayoko siya!" sigaw ko.

Dumistansya si Ares sa akin. "The feeling is mutual. Ayaw rin niya sa'yo."

Napangiwi ako. "Basta ayoko! Naiinis ako 'pag nakikita siy—"

"Kung gusto mong umayos ang pakiramdam mo ay 'wag kang mag-inarte." Pagputol na naman niya sa sinasabi ko.

Wala na akong nagawa nang tawagan niya si Jaycen. Mukhang naging maayos naman ang pag-uusap nila. Nakahinga nang maluwag si Ares pagkababa ng tawag.

"From now on never refuse my kindness," He seriously said.

"Hindi ko kaylangan ng kabaitan mo sa akin. At kaya ko nga ang sarili ko," pagmamatigas ko.

He slowly nodded with a little smirked on his face. "Kahit ano'ng sabihin mo, you're vulnerable."

Namamangha akong tumingin sa kanya. "Ginagawa mo na naman ba 'to dahil pinsan ako ni Aiden?"

Our eyes met, and I stared at him for a long time.

I'm Inlove With A Criminal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon