CHAPTER 8

256 22 0
                                    

I didn't look back, I walked straight into my department. Bumungad sa akin ang mga maiingay na employee. Nadagdagan pa ang ingay dahil sa sunod-sunod nilang pagbati sa akin. Si Faith naman ay agad na lumapit sa akin. Tila ba kinikilig pa siya kaya nagtaka ako.

May sinasabi siya pero hindi ko ro'n naituon ang atensyon ko. Nakita ko si Remson, kararating lang nito. Hinihingal pa siya at pinagpapawisan. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay agad niya akong tinalikuran.

Lumakas tuloy ang kutob ko kay Remson. Dahil kanina lang ay may kumukuha raw ng litrato sa akin. Sinabi ni Ares na hindi niya namukhaan iyon dahil masyadong malayo ang kinaroroonan nito. Pero sigurado siyang ako ang kinukuhanan ng litrato.

"Oy! Nakikinig ka ba?"

Bumalik ako sa diwa nang magsalita si Faith.

"Ano'ng sinasabi mo?" nakangiwi kong tanong.

"Pumasok ka na sa office mo dali!"

Nagtaka ako dahil pilit niya akong itinutulak sa loob ng office ko. Wala na akong nagawa kung 'di ang magpatulak sa kanya paloob ng opisina.

Bumungad sa akin ang isang bouquet of roses. Nasa table ko 'yon, kaya agad akong lumapit para kuhanin 'yon. Nakita ko pa sa dedication ang pangalan ko. Nagtataka akong ipinakita iyon kay Faith.

"Ano 'to?" I asked.

Napangiti siya. "May secret admirer ka! Nauna kasi akong pumasok kanina tapos dumiretso ako rito sa office mo. Nakita ko 'yan, saka sa 'yo nakapangalan kaya hindi ko pinakialaman."

Tinignan ko ulit ang bulaklak na iyon.

Sino ang nagbigay sa 'kin nito?

I suddenly covered my mouth. Did my stalker brought this for me?

Agad kong inilapag sa table ang bulaklak. Imbes na matuwa ay natakot ako nang sobra.

•••

Kanina lang ay tinapon ko ang roses na 'yon. Sinigurado ko na hindi makikita ni Faith ang pagtapon ko. Dahil paniguradong magtataka 'yon.

Nakatitig ako sa phone ko, nang biglang magmessage si Sir Justin sa akin. Napakamot ako sa ulo pagkabasa ng message niya.

Bukas nalang daw niya ibibigay ang list ng mga employee na nagpunta sa CCTV room. Dahil may executive meeting daw siya ngayon.

Tinignan ko ang oras, lunch break na pala. Mabagal akong lumabas sa opisina ko. May iilan pang mga employee pero paalis na rin naman sila para kumain. Napansin kong wala na si Remson sa desk niya. Pagkalabas ng ibang employee ay napagpasyahan kong pumunta sa desk ni Remson.

Sinadya ko talaga na magpahuli para lang maiwan akong mag-isa rito. Hahanap ako ng ebidensya na magpapatunay na si Remson nga ang stalker ko.

Kinakabahan kong binuksan ang maliit niyang cabinet. Tumambad sa akin ang iba't ibang klase ng documents. Alam kong mali itong ginagawa ko. Pero ito lang ang tanging paraan para masagot lahat ng katanungan sa isipan ko.

Nang wala akong makitang kakaiba sa cabinet ay itinuon ko naman ang atensyon ko sa table niya. Kaso ang linis ng lahat, wala akong makitang kung ano. Nagpatuloy pa rin ako sa pangingialam ng mga gamit niya. Sana lang walang pumasok dito.

Nagsalubong ang kilay ko nang may makita sa ilalim ng table niya. Nakasisiguro akong litrato 'yon. Umupo ako at saka ipinilit na ipasok ang kamay ko sa ilalim.

"Magpakuha ka na! Ne—"

"Ano'ng ginagawa mo?"

Nanigas ako sa pagkakaupo. Dahan-dahan akong lumingon sa taong 'yon. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang si Ares 'yon.

I'm Inlove With A Criminal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon