It's been a few days since I last saw Ares. Kahit si Aiden nga ay parang ayokong kausapin. Although hindi naman niya alam ang nangyari sa pagitan namin ni Ares.
Tumayo ako sa pagkakaupo at nagsimula nang maglakad papasok sa building. I work as marketing manager in a fashion company.
Bagay nga raw sa 'kin ang trabaho ko dahil maingay akong tao.Lutang akong naglalakad, may mga employee na panay ngiti sa akin. Pero hindi ko sila magawang ngitian tulad ng ginagawa ko dati.
"Hey, miss!"
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Wala akong pinapansin na kung sino. I'm so occupied, I don't even know kung maayos ba ang itsura ko ngayon.
"Miss!"
Nakakatakot ang awra ni Ares noong araw na 'yon. Kaylangan ko na ata talagang baguhin ang sarili ko. Grabe na ang kadaldalan ko.
"Bingi ka ba?!"
Agad akong nahinto sa paglalakad. I turned my attention to the guy who called me. Iritado siyang nakatingin sa akin.
"Why?" I asked. Nagulat ako nang makitang hawak niya ang bag ko. "B-bakit nasa iyo 'yang bag ko?" gulat na tanong ko.
He smirked, then suddenly he threw my bag at me. Pero imbes na saluhin ko 'yon ay hindi nagkusa ang katawan ko sa paggalaw. Kaya ang ending, tumama sa mismong mukha ko ang bag.
What the heck!
Napakuyom ang kamao ko dahil sa pagkainis.
"Bastos ka!" I shouted.
"Ako pa ang bastos? Alam mo kung ano ang mas nakakabastos? Iyong nakakailang tawag na ako sa 'yo hindi ka pa rin sumasagot," kaswal na saad nito na akala mo naman ay kaibigan ko siya.
"I don't care! Mali pa rin na itapon mo sa 'kin ang bag ko! Mas bastos 'yon," iritado kong tugon.
He putted his right hand on his pocket. "Tinapon ko means you need to catch it. Pero ano'ng ginawa mo? Tinitigan mo lang hanggang tumama sa mukha mo. Dumb person."
Nanlaki ang mata ko.
Me? Dumb?
"Hoy! For your information, grumaduate ako as summa cum laude sa isang prestigious university!"
Tumango siya at bumalatay na naman ang nakakainis niyang ngisi. "Still, tatanga-tanga ka pa rin."
Mas lumapit ako sa kanya at agad na dinuro siya sa mukha.
"Wala kang karapatang sabihin ako ng gan'yan! Sino ka ba? Akala mo ikaw ang pinakamagaling na tao sa balat ng lupa. Bawiin mo—"
"Ms. Nayana, what are you doing?" Agad akong napahinto sa pagsasalita. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang mismong CEO ng company. Kunot noo siyang nakatingin sa aming dalawa ng asungot na lalaki.
"S-sir," utal kong tawag sa kanya.
Imbes na pansinin ako ay itinuon nito ang atensyon sa lalaking kaharap ko. "Hey, Jaycen, dapat ay dumiretso ka na sa opisina ko," sabi ni Sir Justin sa kanya.
Jaycen ang pangalan ng lalaking 'to? Kaano-ano niya si Sir Justin?
"Actually, papunta naman na ako." Huminto ito sa pagsasalita at tumingin sa akin.
Ano na naman?
"Kaso mukhang ayaw akong lubayan ng employee mo," pagtuloy nito.
"Ms. Nayana, may problema ba?"
I cleared my throat. "Wala po, sir. Kaano-ano mo po ba siya?" tanong ko sabay turo kay Jaycen.
"He's my cousin," he formally answered.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With A Criminal (COMPLETED)
General FictionWhen you love someone, you love the whole person, you will not going to depend on his social status, his past and to his mistakes. You love them as they are and not as you would like them to be. _____ February 4, 2021 - February 13, 2021