Napasabunot ako sa sariling buhok. Kanina ko pa prinoproblema ang pagrerecruit ng model. Nag-email na ako sa mga kakilala kong p'wede rito. Kaso halos lahat sila ay nireject ang offer ko.
Some of Aiden's friends accepted my offer. But it's not enough, I still need three models. It's stressing me out! Desperada na akong humingi ng tulong kay Aiden at nakatanggap din naman ako ng message sa kanya na may papapuntahin daw siya rito para maging model. Kaya medyo umayos ang pakiramdam ko.
Nakasimangot akong nakatitig sa laptop ko. Maya-maya lang ay may napansin akong papel sa ilalim ng lamesa ko.
Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. It's not a simple paper. Dahil ang catchy ng dating nito. May purple ribbon na nakadikit at nakafold pa ito.
Agad kong kinuha ang papel na iyon. Dahan-dahan pa ang pagbukas ko rito. May kung ano kasing kakaiba sa papel na ito na tila ba nang-aakit na basahin ko ang nakasulat.
Pagkabukas ko ay napangiwi ako dahil sa font ng mga letters. Ang sakit sa mata at ang hirap basahin.
Nang makita ko ang pangalan ko ay agad akong kinabahan.
"Love letter ba ito?"
Sinimulan ko ang pagbabasa.
"Nayana, At night, I lie down and imagine you are here with me. I imagine the heat of your body pressed against mine. I turn and lay my head against the pillow, feeling your heartbeat drum a lullaby in my ear. A thousand butterflies kiss at my skin, and I long to feel the softness of your lips."
What the heck is this?
Imbes na matuwa ako ay sobra akong kinabahan.
Kung kilala mo ang taong nagbigay sayo ng ganitong letter ay kikiligin ka dahil napakaganda ng gusto nitong iparating. Pero kung hindi mo naman kilala ay matatakot ka.
"Imagine the heat of your body pressed against mine?" pag-uulit ko sa nakalagay sa letter.
This is shit! Ang creepy naiimagine niya ako sa tabi niya? Pinagnanasahan ba ako ng taong 'to? Actually this is not the type of love letter na halimbawa magkoconfess ka sa gusto mong tao. Kasi this is different, and creepy.
Napatayo ako at dagling itinapon sa trash bin ang letter. Hindi ko kaylanman ike-keep ang gano'ng sulat. Nakakatanggap naman na ako ng sulat mula noong highschool ako. Pero lahat ng 'yon ay may maayos na kahulugan. Hindi katulad ng letter na 'yan. Nakakatakot!
Lumabas ako sa office, nakita ko ang mga kadepartment ko. Busy sila sa kanya-kanyang trabaho. Naglakad ako palapit kay Faith isa sa mga kasundo kong employee. Hindi ko kadepartment si Riyan kaya si Faith lang ang madalas kong nakakausap sa oras ng trabaho.
Nakangiti siyang bumungad sa 'kin. "May mga narecruit ka na?"
Kinalimutan ko ang tungkol sa letter na iyon. Inayos ko ang presensya sa harapan niya.
"Oo, kaso tatlo pa ang kulang."
"Don't worry, tutulungan na lang kita."
I nodded then I smiled widely.
Pinapanood ko siya habang inaayos ang mga kontrata. Nang mapansin ko si Remson, nahuli ko siyang nakatingin sa akin mula sa kinauupuan ko. Agad din niyang inilayo ang paningin sa akin.
He's weird.
Hindi ko malaman ang sumunod na ginawa. Naglakad ako palapit sa kanya at saka nginitian siya.
"Ma'am Nayana," tawag niya sa 'kin.
"Naayos mo na ba 'yong business proposal natin?" tanong ko. Tumango-tango naman siya hudyat na naayos na nga niya. "P'wede patingin?"
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With A Criminal (COMPLETED)
Ficción GeneralWhen you love someone, you love the whole person, you will not going to depend on his social status, his past and to his mistakes. You love them as they are and not as you would like them to be. _____ February 4, 2021 - February 13, 2021