CHAPTER 12

280 20 0
                                    

I opened my eyes.

Dahan-dahan akong napatingin kay Ares. Tulog pa siya habang nakayakap sa akin. Napangiti ako nang makita ang maamo niyang mukha.

We're both naked. Napakagat labi ako nang maalala ang nangyari samin kagabi. Hindi ko ata kakayanin ang kausapin siya kapag nagising. Paniguradong magiging akward lang kaming dalawa.

Dahan-dahan kong inalis ang braso niya sa pagkakayakap sa akin. Mahinahon akong umalis sa kama at saka pinulot ang mga damit ko. Nagpunta ako sa bathroom para magbihis. At dagling lumabas ng k'warto niya.

Inayos ko ang sarili bago bumaba. Bumungad sa akin sina Amara, Erin, Jace at si Jaycen. Nasa kitchen sila, pinapanood ng tatlong lalaki si Amara habang nagluluto. Siguro tulog pa ang iba, pati ang pinsan ko.

Napansin naman nila ako.

"Saan ka natulog?" walang emosyong tanong ni Jaycen.

Nagsitinginan sila sa akin gayon na rin si Amara. Nagtatanong ang ekspresyon ng mga mukha nila. Kaya kinabahan ako lalo na nang makita ko kung gaano kaseryoso si Jaycen.

"Oo nga, ro'n ka ba natulog sa k'warto ni Ares?" mapanuksong tanong ni Jace.

Sinuway ni Erin si Jace at saka bumaling din ito sa 'kin. "Natulog siya kasama si Calista," Erin said.

Eh?

"Ay! Akala ko naman makakascore na si Ares! Hahaha!" biro ni Jace, kaya sumama ang tingin ni Jaycen sa kanya.

Naupo ako sa tabi ni Jaycen at nginitian siya. "Oo, ro'n ako kay Calista natulog," pagsisinungaling ko.

Makabuluhan kong tinignan si Erin, nakangiti naman itong tumango sa akin.

Hihihi niligtas ako ni Erin!

"Marunong ka rin bang magluto, Yana?" Amara asked.

"Oo naman tutulungan na ki-"

"Nope, stay here." Naramdaman ko ang kamay ni Jaycen sa braso ko at saka pilit akong pinabalik sa pag-upo.

"Why?"

"Ako na ang tutulong kay Mara, mukhang napagod ka," walang pag-aalinlangang tugon ni Jaycen.

Halaaaaaaa sigurado akong alam ni Jaycen na natulog ako sa k'warto ni Ares.

Hindi ako nakasagot nang dali-dali itong tumayo para tulungan si Amara. Mukhang ayos na nga silang dalawa.

•••

Nakasimangot ako habang naglalakad papunta sa kompanya. Hinatid lang ako ni Ares, pero hindi na siya nagtagal pa. Dahil may ipapaayos daw ang parents niya sa kanya. Well hindi naman na namin napag-usapan 'yong nangyari samin. Back to normal na nga lang eh. At saka ayoko na rin isipin 'yon lalo na't ang akward masyado kapag naaalala ko.

Sobrang busy ko na sa trabaho ngayon. Napakaraming kaylangang ayusin. Sumasakit na nga ang ulo ko. Buti na lamang at magagaling ang mga kadepartment ko. Natutulungan nila ako sa mga bagay na hindi ko alam. Maya-maya lang ay lumabas na ako sa opisina. Inilibot ko ang mga mata sa paligid. Napangiwi ako nang makitang wala si Remson sa desk niya.

Nilapitan ko si Faith para tanungin kung absent na naman ba siya.

"Faith, wala na naman si Remson?"

Tinignan ni Faith ang upuan ni Remson. "Nand'yan siya kanina! Kaso kinuha niya 'yong bag niya at umalis," she answered.

"Saan naman kaya nagpunta 'yon? Hindi pa tapos ang trabaho niya."

Tumango-tango si Faith. "Madalas ko na rin napapansing hindi siya makausap ng maayos. Nag-aalala na nga ako sa kalagayan niya."

I'm Inlove With A Criminal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon