R18+ Most of the scenes are not suitables to all young and immatured readers.
•••
Ngayon lang ako namangha sa isang bahay. Paano ba naman kasi, ang laki ng bahay nila Ares. Nagmukha tuloy akong mahirap na sa apartment lang nakatira. Inilibot ko ang paningin ko, para akong bata na gustong tumalon-talon dahil sa wakas makakapasok na rin ako sa isang malaking bahay.
Jojowain ko na talaga 'tong si Ares! HAHAHAHA biro lang. Sympre gugustuhin mo ang isang tao dahil mahal mo siya. Hindi dahil mayaman siya.
Naramdaman kong humawak si Ares sa kamay ko.
"Nand'yan na ba sila?" kinakabahan kong tanong. Sympre makikita ko na ulit ang mga kaibigan ni Ares and this time ipakikilala niya akong girlfriend niya. Although hindi naman talaga niya ako girlfriend. Display lang siguro 'yong pagpapakilala niya sa 'kin as his girlfriend. At isa pa, kaylangan pa rin niyang manligaw sa 'kin. Ano 'yon? Umamin lang siya sa 'kin tapos kami na? Suwerte niya kung gano'n.
"Yes, pati nga si Jaycen ay naunahan pa tayo."
Siguro nga ay sobrang tagal na nilang magkakaibigan kaya malaki ang tiwala nila sa isa't isa. Pinapasok niya ang mga kaibigan niya sa bahay nila na wala siya? Ang ibig sabihin ay pinagkakatiwalaan niya ang mga ito.
"Pumasok na tayo," anyaya pa niya.
Kinakabahan akong naglakad, hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko hanggang makapasok kami. Nasa living room silang lahat. Halos hindi ko na nga makilala ang mga kaibigan niya. Dahil mabilis akong makalimot ng mukha. Pangalan siguro natatandaan ko pa. Lalo na 'yong pangalan ni Amara.
Nang makita nila kami ay labis ang naging pagngiti nila. Nakita ko ang paglapit ni Jaycen samin. Napansin kong nakatingin siya sa kamay namin ni Ares na magkahawak.
Mabilis siyang pumagitna sa aming dalawa kaya nabitawan namin ni Ares ang kamay ng isa't isa.Masayang umakbay si Jaycen samin. "Eyo ladies and gentlemen! Mga kaibigan siguradong kilala niyo naman na si Nayana. Employee siya ng pinsan kong si Justin," pagpapakilala ni Jaycen sa 'kin.
"And my girlfriend." Nagulat ang lahat sa sinabing iyon ni Ares, maging si Jaycen ay hindi makapaniwala. Tinanggal ni Jaycen ang pagkakaakbay sa akin.
"I thought girlfriend siya ni Jaycen?" naguguluhang tanong ni Calista.
"S-sino'ng nagsabi sa 'yo?" utal na tanong ni Jaycen.
"Si Mara hahahaha! Pinakilala mo raw noong nasa kompanya kayo." Sabay turo ni Calista kay Amara.
"Nope, biro lang 'yon." Naupo si Jaycen sa sofa na para bang nadrain lahat ng kasiyahan niya kanina.
Nagsitinginan silang lahat samin.
"Really? Girlfriend mo siya, Ares?" nagtatakang tanong ni Aiden.
Do'n ko lang nakita si Aiden.
I covered my mouth, shit! Nandito pala ang pinsan ko. Baka sabihin niya kay Dad ang tungkol dito!
"Yes," sagot ni Ares. Siniko ko naman siya, imbes na makuha ang ibig sabihin ko ay mas inasar pa niya ako. Inakbayan niya ako sa harap ng mga kaibigan niya at sa harap ng pinsan ko.
"She's my girlfriend. 'Di ba, Yana?" pagkumpirma niya.
Napakagat labi ako. "Oo."
Peste! Ako ang may gusto nito tapos ako naman ngayon ang natatakot.
"Tch, bilis ah," rinig naming tugon ni Jaycen.
"Congrats, bro! Nahanap mo na rin sa wakas!" Masayang tumayo si Jace ata 'yon? At tinapik-tapik si Ares. Ito namang si Ares ay para bang proud na proud sa achievement niya.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With A Criminal (COMPLETED)
General FictionWhen you love someone, you love the whole person, you will not going to depend on his social status, his past and to his mistakes. You love them as they are and not as you would like them to be. _____ February 4, 2021 - February 13, 2021