Mabagal ang bawat paglakad ng mga paa ko. Mula sa kinaroroonan ko ay kitang-kita ang coffin ni Jaycen.
Ares held my hand, sobrang higpit na pagkapit. Nilalamig ang mga kamay niya. Marahan ko siyang tinignan, ang lungkot na nanggagaling sa kanya ay nakakahawa.
Nagsitinginan sa amin ang lahat ng taong nakikiramay sa pagkawala ni Jaycen. Napansin ko naman agad sa sila Amara sa pinakaharapan na silya. Magkakasama silang lahat, ang dating tawanan ng magkakaibigan ay napalitan nang labis na kalungkutan.
Naglakad kami palapit sa coffin ni Jaycen at nang makalapit kami ay hindi na nagdalawang isip si Ares na lapitan si Jaycen. Nakatayo ako malapit sa coffin, ayokong tignan si Jaycen. Ayoko, dahil hindi ko kakayanin.
Marahang hinaplos-haplos ni Ares ang glass na nakatakip kay Jaycen. Sunod-sunod na rin ang pagluhang pinakawalan niya. Pinakatitigan niya si Jaycen, wala siyang pakialam kung matuluan ng luha niya ang coffin.
"J-jaycen, ilang beses mo naman ng napakinggan 'to. Pero hanggang ngayon gusto ko pa rin humingi ng tawad sa 'yo." Nagcrack ang boses niya nang sabihin 'yon.
Dahan-dahan akong lumapit kay Ares. Nang makita ko si Jaycen na mahimbing na nakahiga sa coffin ay doon na nagsibagsakan ang mga luha ko. Inalalayan ko si Ares nang halos mapaupo na ito sa pag-iyak. Ang iyak na pilit niyang pinipigilan kahapon ay naghalo-halo at sumabog na ngayon.
"Nagsisisi ako dahil dinamay kita sa mga masamang ginawa ko dati. Ilang beses mo na akong pinigilan noon pero hindi ako nakinig. S-sorry, nakulong ka ng dahil sa akin," umiiyak pang tugon.
Hinaplos-haplos ko ang likod ni Ares.
"Salamat sa mga oras na ikaw lang ang nakasama ko. H-hindi mo... ako iniwan, at itinuring mo pa rin akong kaibigan."
Napapikit ako.
"Sa susunod na buhay mo, gusto kong ako pa rin ang maging kaibigan mo. Wala na akong mahahanap pang katulad mo. 'Di ba nga partner in crime tayo? Natawa ka nga noon kasi literal na crime ang tinutukoy mo." Natawa pa nang unti si Ares sa naalala.
Narinig ko ang iyakan ng mga kaibigan niya sa likuran.
Marahan na niyakap ni Ares ang kabaong ni Jaycen. "Jaycen." He cut his words. Tinitigan pa niya si Jaycen, then he smiled. "Goodbye. We love you, bro," he said while his tears keeps on dripping.
•••
Umuwi muna si Ares para magpahinga. Babalik siya rito mamaya para tulungan kaming lahat sa pag-aasikaso sa mga taong makikiramay. Dumating na ang parents ni Jaycen. Pumunta sila ngayon sa presinto para ayusin ang ikakaso nila kay Justin.
Nakaupo ako mag-isa sa gilid ng coffin ni Jaycen. Nakatitig lang ako sa sariling kamay. Pumapasok lahat ng masasayang araw na kasama ko si Jaycen sa aking isipan.
Napalunok ako nang maramdaman na naman ang luha ko. Wala pa mang tumutulo ay pinahiran ko ang mga mata ko gamit ang mga kamay.
"P-p'wede naman sigurong umiyak 'di ba Jaycen?" tanong ko kahit alam kong wala namang sasagot. 'P-p'wede 'di ba?" ulit ko pa.
Doon ay lumuha ako, pero pilit ko rin pinapahiran iyon. Ayoko ng umiyak nang umiyak. Dahil hindi naman matutuwa 'tong si Jaycen kapag ganito lang ang lagi kong gagawin.
Tumayo ako at walang pag-aalinlangang tinignan si Jaycen. "Ang himbing ng tulog ah!" biro ko habang pinipilit na tumawa.
"M-matapos m-mong... magconfess sa 'kin iiwanan mo ako?" Nanginig na ang boses ko
Nahinto ako sa pagsasalita. Panay pagpunas ako sa mga luha kong ayaw na magsitigil sa pagbagsak.
"Sabi mo no'n sa akin, sa sobrang pagiging kaibigan mo kay Ares ay ibinigay mo na lahat," sambit ko habang inaalala ang lahat ng sinabi niya noong gabing masaya pa kami.
Napakuyom ang palad ko. "Pero bakit pati ang buhay mo ibinigay mo na?"
Doon na ako humagulgol. Hindi mawala sa isip ko ang pangyayaring iyon. Para lang hindi mapahamak si Ares ay nakipag-agawan siya ng baril kay Justin.
Hindi siya natakot para sa kaibigan niya. Napakatapang niyang tao at habang buhay kong pasasalamatan lahat ng mabuti niyang ginawa sa amin.
"Jaycen, siguro narinig mo 'yong sinabi ko bago ka bawian ng buhay. Uulitin ko lang ngayon para kung sakali man marinig mo ulit kahit imposible," umiiyak kong tugon.
"Isa ka sa mga taong importante na sa buhay ko. Salamat sa lahat, salamat sa pang-aasar. Kahit noong una naiirita talaga ako sa 'yo. Hindi naman masama ang ugali mo. Talagang ayaw mo lang ipakita 'yang kabaitan mo. Jaycen, gabayan mo kaming lahat. Lalong-lalo na ang mga magulang mo. Ipapangako ko sa 'yo na aalagaan ko rin ng mabuti ang kaibigan mo. Kaya 'wag kang mag-aalala sa kanya. Dahil ako na ang bahala kay Ares at sa iba mo pang mga kaibigan," ani ko.
Napalunok pa ako at mas nilawakan ko ang pagngiti kahit hindi ito nakikita ni Jaycen.
"There are no goodbyes for us. Wherever you are, you will always be in my heart," mahina kong tugon.
Naramdaman ko naman ang isang malamig na hangin. Dumampi ito sa buong katawan ko. Kaya napapikit na lamang ako.
We’ll meet again, I don’t know where, I don’t know when, but I know we’ll meet again. At sa pagkakataong iyon ay hindi na ako magdadalawang isip na kaibiganin ka ulit.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With A Criminal (COMPLETED)
Genel KurguWhen you love someone, you love the whole person, you will not going to depend on his social status, his past and to his mistakes. You love them as they are and not as you would like them to be. _____ February 4, 2021 - February 13, 2021