CHAPTER 16

307 23 0
                                    

2 Years Later...

I'm happy and I lived in a peaceful place. It's been a years mula noong mangyari ang lahat ng iyon. Still I can't forget it. Hindi ko naman kinalimutan ang lahat ng masayang alaala. Ang tanging kinalimutan ko lang ay ang lahat ng bagay na nagpapalungkot sa akin.

Nakangiti akong naglalakad sa park. Mag-isa ko lang, nais ko muna kasing magpahinga ngayon. Panay trabaho na lang kasi ang iniisip ko.

Napatingin ako sa phone ko. Nagpop-up ang isang notification galing sa social media account ko. Chineck ko iyon, may lumabas na article, binasa ko iyon at napangiti ako sa isang magandang balita.

May bago ng CEO ang kompanya na pinagtatrabahuhan ko dati. Mas napangiti pa ako nang makita kung sino 'yon.

Si Aiden ang bumili ng kompanya ni Justin. Lahat ng inipon nito ay doon niya inilaan. Dalawang taon din kasing isinara ang kompanya dahil sa mga nangyari at sa pagkakakulong ni Justin. Napagpasyahan ng mga shareholders nito na ibenta na lang ang kompanya dahil nahihirapan na silang patakbuhin pa ito.

Inilibot ko ang mata sa paligid.

Wala na ako sa Pilipinas, dahil napagpasyahan kong manirahan na lang sa ibang bansa. Sympre hindi ako nagdesisyon ng mag-isa. Dahil kasama ko si Ares.

Mas napangiti ako.

Kasal na kami ni Ares noong nakaraang taon. Nalaman ko kasing buntis ako noon, kaya hindi na siya nagdalawang isip pa. Hinarap agad niya ako sa altar.

Mag-iisang taon na ang anak naming dalawa. Good thing na boy ang naging anak namin. Dahil may naalala si Ares na ipangalan sa kanya.

Mula sa malayo ay nakita ko ang paglapit ng mag-ama ko sa akin. Sinundan pala nila ako rito, ang sabi ko ay manatili na lang sila sa bahay. Kaso masyadong makulit si Ares.

Masaya niyang buhat-buhat ang anak namin. Pagkalapit niya sa akin ay ako naman ang bumuhat sa baby boy ko. Hinalik-halikan ko pa ito sa pisngi.

"Ang cute cute!" pawang gigil na gigil na tugon ko.

Napasimangot si Ares. "How about me? Hindi ba ako cute?"

Natatawa akong tumingin kay Ares. Dali-dali ko siyang hinalikan sa pisngi. Napansin ko ang pamumula niya. Isang taon na kaming mag-asawa pero parang bago pa lang sa kanya ang lahat.

"Walang pinipiling lugar ah, ang daming tao oh." Turo niya sa mga tao sa paligid.

Ngumisi ako. "Gusto mo ro'n sa walang tao?" panunukso ko.

Akward naman siyang tumawa. "Akin na nga si Jay." Inagaw niya sa akin ang anak namin.

Jay ang ipinangalan niya sa anak namin. Actually hindi ko siya pinigilan dahil gusto ko rin naman ang pangalan na iyon.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. "Tara na umuwi," nakangiti niyang tugon.

I noddded then smiled back.

•••

Gabi na at mahimbing na natutulog ang anak namin. Nasa gitna namin siya ni Ares. Napangiwi ako kasi panay ang hawak ni Ares sa pisngi nito.

"Yah! Tigilan mo na 'yan baka magising," suway ko sa kanya.

Imbes na pakinggan ako ay ipinagpatuloy niya ang ginagawa.

"Kapag nagising 'yan ikaw ang magpatulog," banta ko sa kanya.

Natatawa niyang inalis ang kamay sa pisngi ng anak namin. Mapanukso naman siyang tumingin sa akin. Kaya nagsalubong ang mga kilay ko.

"What?"

"Gusto mo lang na sa 'yo ko ituon ang atensyon ko," pang-aasar niya.

"Huh?"

"Halika rito."

"Luh! Baliw ka talaga. Matutulog na ako."

Humiga ako ng maayos, rinig na rinig ko naman ang pagtawa niya.

"Gusto ko pa ng isang anak," biglang saad niya.

Agad akong napatingin sa kanya.

"Magtigil ka," mahina kong tugon.

Napasimangot siya. "Sina Amara at Erin tatlo na ang anak, si Jace apat na."

"Ano naman kung mas marami ang anak nila?"

"Sympre hindi tayo magpapatalo!"

Biglang lumakas ang boses nito kaya agad kong tinakpan ang bibig niya. "Ang kulit baka magising si baby!" inis kong suway.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Walang kahirap-hirap niyang hinila ako palapit sa kanya dahilan para tuluyan akong pumatong sa kanya.

"Ares," mahina kong tawag sa pangalan niya.

Ngumiti siya. "I love you."

Pagkasabi niya non ay agad niya akong hinalikan. Simpleng halik lang naman iyon. Agad din niyang inilayo ang mukha sa akin at ipinahiga ako sa tabi niya.

"I love you too," nakangiti kong sabi.

"I love you more." Then he kissed my cheeks.

Tumalikod ako sa kanya sa pagkakahiga at hinarap ang anak namin. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa 'kin mula sa likuran ko.

Dinampian niya ng halik ang leeg ko.

"Kapag nag 2 years old na si Jay, p'wede na tayong magkaanak ulit," mahina kong tugon.

Naramdaman ko naman ang dahan-dahan niyang pagtango. Sinilip ko siya at nakapikit na ang mga mata niya. Halatang pagod na pagod din siya sa trabaho. Dahan-dahan akong humarap sa kanya at dinampian ng halik ang noo niya.

I'm Inlove With A Criminal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon