Nakangiti akong naglakad palabas sa opisina. Nasa lobby pa lang ako ay labis na ang kaba ko. Sympre makikita ko na ulit si Ares.
Masigla akong pakanta-kanta pa habang naglalakad sa malawak na lobby. Maayos na rin naman kami ni Jaycen. Ayoko lang din na isipin pa ang lahat ng sinabi niya sa 'kin.
Maya-maya lang ay tumambad sa harapan ko si Sir Justin. Nakangiti ito sa akin.
"Hello po, sir," nakangiti ko rin na pagbati.
"Uuwi ka na?"
"Yes po."
"Sumabay ka na sa 'kin."
Eh? Ngayon lang ako inaya ni sir na sumabay sa kanya.
"S-sir, may sundo po kasi ako," nag-aalinlangang tugon ko.
Kumunot ang noo niya. "Iyong pinsan mo ba?"
"H-hind-"
"Ako ang susundo sa kanya." Sabay kaming napalingon ni Sir Justin kay Ares. Napangiti ako nang makita siya.
"Ares?"
"Yes." Lumapit sa 'kin si Ares at saka marahang hinawakan ang kamay ko. Agad naman akong namula.
"Girlfriend mo si Ms. Nayana?" tanong ni Sir Justin.
Tumango si Ares. "And we need to go, Mr. CEO."
Naglakad kami ni Ares habang hawak pa rin niya ang kamay ko. Kaso nahinto rin kami nang biglang hawakan ni Sir Justin ang isa pang kamay ko.
Sumama ang tingin ni Ares kay Sir Justin.
"Hindi pa p'wedeng umuwi si Nayana. May ipagagawa pa ako sa kanya," Sir Justin formally said.
Eh? Natapos ko naman na lahat.
"P'wede mong ipagawa 'yon bukas." Marahas akong hinila ni Ares kaya nabitawan ni sir ang kamay ko. Marahan akong tumango kay sir. Nakakahiya naman kasi 'yong ginawa ni Ares.
"Sir, gagawin ko po bukas. Mauuna na po kami," I said.
Hindi na hinayaan ni Ares na makapagsalita pa si Sir Justin. Mabilis kaming umalis sa kompanya.
Tahimik lang ang naging byahe namin. Walang nagkikibuan at masyadong akward. Nang makarating kami sa apartment ko ay hindi pa muna ako lumabas ng kotse niya.
"Ares..."
"Hmmm?"
"O-okay ka lang ba? Parang bad mood ka," nag-aalinlangan kong tanong.
He smiled. "Maayos lang ako."
Hindi pa rin ako nakuntento sa isinagot niya.
"Iyong seryoso?"
"Seryoso ako, Nayana."
Napasimangot ako. "Lalabas na ako, mag-ingat ka pauwi." Akmang lalabas na ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Ares?" nag-aalala kong tawag sa kanya. Iba kasi ang pinapakita niyang emosyon sa akin.
"Nakausap ko ang parents ko kanina," paunang sabi niya.
"May problema ba?"
He slowly nodded.
May kung anong lungkot naman akong naramdaman.
"Bukas kasi aalis na rin si Jaycen," aniya pa.
Napahawak ako sa dibdib. "Eh? Ang bilis naman, bakit agad-agad?"
Kaya pala kinausap ako ni Jaycen tungkol sa nararamdaman niya kanina. Dahil aalis na siya at kung sakali ay makaalis siya rito na nasabi ang nararamdaman niya sa 'kin.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With A Criminal (COMPLETED)
General FictionWhen you love someone, you love the whole person, you will not going to depend on his social status, his past and to his mistakes. You love them as they are and not as you would like them to be. _____ February 4, 2021 - February 13, 2021