---
-Smirky-
Pagkatapos kong magpalit ng ‘disenteng’ damit ay lumabas na ako ng kwarto ko. Tinungo ko yung kusina para sana tulungan si Grin pero tapos na itong mag luto. Pag pasok ko ay agad itong napatingin sa akin at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Hmm, better” sabi nito at ngumiti ng nakakaloko. Agad naman akong pinamulahan ng pisngi ng maalala ko yung sinabi nito kanina.
“Let’s eat” aya nito sa akin. Si net nito ang table at sabay kaming kumain. Tila nawala ang kakulitan ko nang mga oras na iyon. Ang awkward ng atmosphere. Tanging ingay lang na nagmumula sa mga kubyertos ang maririnig mo.
“Aherm” maya maya ay pag basag nito sa katahimikan.
“Nalunok mo ba ang dila mo?” nakakunot noo nitong tanong. Hindi ako makatingin dito ng diretso.
“H-hindi naman. B-bakit mo natanong?”
“Kung ganun bat ang tahimik mo?” tanong nito. Hindi ako nakasagot.
“Kung tungkol ito sa sinabi ko kanina, I’m not sorry that I said that” napatingin ako dito.
“Hindi ko itatago ang nararamdaman ko sayo. Keep that in mind” napatanga ako sa sinabi nito.
S-so ibig sabihin ba non—
“Na pinag nanasaan kita?” nakangising tanong nito. Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi nito.
P-paano—
“Hind ako mind reader but I can tell what are you thinking by just looking at your face. You look hilarious right at this moment” at tumawa ito. Natameme na lang ako sa sinabi nito.
* * *
“Grin san ba tayo pupunta?” tanong ko dito. Kasalukuyan kaming nag ba-biyahe at hindi ko alam kung saan kami papunta pero pamliyar ang lugar na tinatahak namin.
“Tsk diba sinabi ko na sayo kanina kung anong gagawin natin sa araw na to?” nakakunot noong sabi nito.
Gagawin namin? May sinabi ba siya kanina?
“Sabi ko, ipapasyal kita sa hacienda. Papunta tayo ngayon sa Hacienda Andrano, okay?” sabi nito at nagfocus na ulit sa pag da drive. So kaya pala pamilyar ang daan sa kanya dahil minsan na siyang nakatapak sa daan na iyon. Naalala niya ang sumbatan nila ng binata sa lugar na iyon. Hindi niya maiwasang mapangiti.
Parang kahapon lang kung mag turingan kami ay para kaming mag kaaway
Makalipas ang ilang minuto ay huminto ang sasakyan. Huminto iyon sa bungad ng isang bahay—o mansion.
“Welcome sa Mansion Andrano” nakangiting sabi nito. Bumaba ito ng sasakyan at pinag buksan siya ng pinto. Pagkababa niya ay hindi niya maiwasang humanga sa laki at ganda ng naturang mansion.
“S-sa inyo to?” nilingon niya ito. Parang amuse na amuse itong panuorin ang reaksyon niya.
“Hmm yup. Matagal na yang tinayo. Itinayo yan ni Lolo Gabriello the I. Si papa ang nakamana ng mansion since siya ang panganay at lalaki sa pamilya. Pero open ang mansion na to sa lahat ng Andrano” kwento ng binata.
“D-dito ka ba lumaki?”
“Oo. I love this place pero hindi habambuhay ay dito ako titira. “ nakangiting sabi nito.
“Seniorito Grin” maya maya ay may lumapit na isang babae. Napaka pormal nitong tignan.
“Lola Vangie!” nakangiting bati dito ni Grin at niyakap ang matanda. Maya maya ay binalingan siya nito.
BINABASA MO ANG
His Runaway Girl
Romance[Bachelor Series 3] Grin Andrano the name is Grin. I am serious, quiet type of bachelor. And I am a doctor. I heal other person and I can save their life, can I do the same to the one I love?