---
-Smirky-
Maingat na mga yabag na halos walang nililikhang tunog…para siyang mag nanakaw na tumatakas mula sa lugar na kanyang kinalakihan…sa lugar na iyon,kasama ang kanyang mga mahal sa buhay at masasayang alala…ay kailangan niyang lisanin dahil lang sa isang rason…rason na kayang bumasag o dumurog sa kanila…sa isang perpektong mundo na ginagalawan ng taong…maaring mapamahal sa kanya...Sa madilim na bahay,subalit nag tagumpay siya na makarating sa pintuan…bago niya iyon marating ay napadako ang kanyang tingin sa isang larawan..larawan ng isang masaya at buong pamilya…nag simulang mag sipatakan ang kanyang mga luhang kanina pa niyang tinitikis..at binigkas ang mga katagang
“Im sorry”
Bago tuluyang nilisan ang lugar na siyang ikinadurog ng buong pagkatao niya
“Hoy Smirky! Tulala ka gan! A penny for your thought huh?” nabalik ako sa realidad. Ipinilig ko ang ulo ko para tanggalin ang mga alala na gusto kong makalimutan. Pero hindi ko kaya. Hinarap ko si Ales na matamang nakatingin sa akin.
“Ahh ehh kasi naman Ales! Sigurado ka na ba na aalis ka?” malungkot na tanong ko dito bago binalingan ng tingin ang mga bagahe nito. Nasa bus station kami ngayon ng Real State.
“I need to” ngumiti ito ng mapait sa akin. Alam ko, nasasaktan ngayon si Ales. Sinong hindi? Kung ikaw pa man din ang ipag tabuyan ng lalaking mahal mo ng pa ulit ulit at pag salitaan ng mga masasakit na salita? Sino ang hindi makakaramdam ng sakit doon?
“Ang sarap lang pektusan ng unggoy na yun eh!” gigil na sabi ko.
“Pabayaan mo na Smirky. I hope one day, he’ll let me explain. Para sa baby namin” sabay haplos sa tiyan nito. Two months pregnant na si Ales. Ng malaman kong buntis ito ay balak kong sugurin ng itak si Georne. Wala na si tito Craige na siyang gagawa non kaya ako na lang ang gagawa para kay Ales. Pero pinigilan ako ni Ales. Sabi niya bigyan daw namin ng time si Gerone na maka pag isip.
“Tsk iuuntog ko na ngayon ang ulo ni Gerone para magising siya.”nanggigigil kong sabi. Ikinuyom ko ang mga kamao ko sa gigil ko.
“Wag na. Hayaan mo na siya” nakangiting sabi nito. Pero hindi umabot ang ngiti nito sa mga mata nito.
“Bakit sa kabila ng mga sinabi sayo ni Gerone, sa kabila ng pagtataboy niya sayo, mahal mo pa rin siya?” seryoso kong tanong, pero ningitian lang ako ni Ales.
“Hindi mo alam Smirky kasi hindi mo pa nararansan ang ma in love. Being in love is the happiest and the most painful experience that you can have. Kahit masaktan ka dito, you will treasure those memories na kasama ang mahal mo na iyon. “ napangiwi ako.
“Yuck corny. Tsk “napa irap ako ng mga mata ko. Tinawanan lang naman nito ang naging reaksyon ko. Nakarinig kami ng busina.
“Stallion stallion! Paalis na! stallion stallion!” sigaw nong despatcher. Napalingon kami dito ni Ales.
“Wait don’t tell me na gan ka pupunta?” nanlalaki yung mga mata na sabi ko. Nag kibit balikat lang naman si Ales.
“I don’t know. Hindi ko naman alam kung saan ako pupunta eh”
“What?!”freak out ko.
“Wala kang plano?! Ales naman eh! Pinag aalala mo ako nito! Sasama na ako sayo!”
“Sasama ka sa akin? Eh paano yung pag bebenta natin nong bahay? Walang mag aasikaso non. Di naman ako pwede kasi nga si Gerone. Kailangan ko din ng space para sa sarili ko” nakikiusap ang mga matang pahayag nito.
BINABASA MO ANG
His Runaway Girl
Romance[Bachelor Series 3] Grin Andrano the name is Grin. I am serious, quiet type of bachelor. And I am a doctor. I heal other person and I can save their life, can I do the same to the one I love?