Chapter Twenty Four

24.6K 430 5
                                    

---

-Smirky-

“I miss you my dearest daughter” ramdam ko ang pamumutla ng mukha ko ngayon, ang paninigas ng katawan ko at ang pagtayo ng balahibo ko sa buong katawan. Ramdam ko ang panlalamig at ang pomamawis ng kamay ko.

Humiwalay ng yakap sa akin si papa at ningitian ako nito ng demonyo. Nakakatakot ang ngiting iyon. Gusto kong tumakbo palayo sa kanya pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa magkabila kong braso.

“P-p-papa” nanginginig kong sabi.

“It’s time for you to go home now Smirky. It’s time for you to face the shame that you have put in our family. Oras na para panindigan mo ang kahihiyang dinala mo sa pamilya” napailing iling ako.

“H-hind papa. Hindi ako sasama sa inyo!” sigaw ko at lumayo ako dito.

“Smirky?” napalingon ako kay Grin na kunot na kunot ang noo at takang taka ang ekspresyon ng mukha.

“Is there something wrong?” alalang tanong nito. Lalapit na sana ako dito pero naramdaman kong hinablot ni papa ang braso ko at hinila ako papalapit sa kanya.

“No. Everything is fine Mr. Andrano. Now if you don’t mind, I need to take my daughter now” seryosong sabi ni papa at kinaladkad na ako palabas ng opisina ni Grin.

“But Mr. Delos Reyes” pag pipigil ni Grin sa papa ko. Nakita kong bumuntong hininga si papa, trying to calm his self bago niya hinarap si Grin ay nag paskil pa ito ng pekeng ngiti.

“Yes Mr. Andrano? if you don’t mind I barely need to talk to my daughter now. Don’t worry, I will bring her back” kita ko sa mukha ni Grin ang pagdadalawang isip. Pero maya maya ay tumango tango na ito.

“Grin no—“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nahila na ako ni papa palayo. Bago pa ako tuluyang makaladkad ni papa ay tinitigan ko si Grin. I’m trying to tell him na wag niya akong hayaang makuha ni papa. But he don’t seem understand what am I trying to tell him, because he let my father take me away from him.

-Grin-

The moment that Smirky was gone to my sight, I have this feeling that I will never see her again.  Base on her expression when she saw her father in my office, parang tinakasan ng kulay ang mukha nito at namutla. Mukhang hindi din ito masaya na nakita ang ama sa office ko.

At ng kinaladkad ito palayo ng ama nito, parang sinasabi nito na wag ko siyang hahayaang makuha ng ama nito. Pero wala akong alam sa nangyayari. Ang alam ko lang ay papa iyon ni Smirky. Wala akong maintindihan. Bakit ganun ang naging reaksyon ni Smirky ng makita ang ama nito? bakit sa halip na matuwa ito ay parang natakot pa ito?

Sh.t stop being paranoid Grin! Smirky will coming back okay?

I took a deep sigh and shook my head. Napahilamos ko ang palad ko sa mukha ko.

I hope, my guts are wrong

 

-Smirky-

“P-papa”

*SLAP*

Parang namanhid ang kanang pisngi ko sa lakas ng sampal ni papa. Nanginginig ang kamay ko na hinawakan ko ang nasampal na pisngi ko. Tumingin ako kay papa na galit na galit ang reaksyon ng mukha.

“P-papa” nag babadya ang mga luha ko ng mga sandaling iyon.

“How dare you Smirky! You put our family in shame damn you!” pagkasabi ni papa nun ay sinampal na naman niya ako. This time sa kaliwa naman. Tuluyan ng tumulo yung mga luha ko. I tried myself to not let out a sob. Kahit na gusto ko ng humagulgol ng iyak.

His Runaway GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon