Ethan's POV
Sinabi ko sa sarili ko na iiwasan ko na si Trisha dahil kahit ano atang gawin ko ay hindi siya maniniwala na gusto ko siya, kaya mas minabuti ko nalang na kalimutan nalang yung nararamdaman ko sa kanya pero sa bawat araw na nakikita ko siya mas gusto kong ilapit ang sarili ko sa kaniya pero nakikita ko na wala talaga akong pag asa ayoko naman isiksik ang sarili ko sa kaniya, kung ayaw niya edi wag! Maraming babae ang nagkakandarapa saakin pero ewan ko ba simula ng makilala ko si Trisha ay parang wala na akong pakealam sa ibang babae gusto ko siya lang ano bang meron sa kaniya at pakiramdam ko mababaliw na ako sa nararamdaman ko everytime na may hinahalikan akong babae sa bar hindi na ako nag eenjoy dahil wala ng ibang gustong halikan tong labi ko kundi labi nalang ni Trisha! Gusto ko minu-minuto ko siyang hinahalikan kaso malabo ng mangyari yun dahil kulang nalang ipagkalandakan niya sa mukha ko na wala siyang gusto sakin kaya sobrang naiinis ako!
Hindi ko namalayan na naparami na pala ang inimon kong alak kakaisip kay Trisha buti nalang kasama ko si Cheska, Si Cheska lang yung sa lahat ng ex ko ay nakakasundo ko pa din kasi hindi siya kagaya ng ibang ex ko na kulang nalang pikutin ako para pakasalan ko na sila pero si Cheska, sex lang masaya na minsan bigla niya nalang ako tatawagan pag tigang siya! syempre tatanggi pa ba ako. Joke! Hahahaha. Pero ayun nga sa sobrang kalasingan ko hinatid na ako ni Cheska sa bahay pero putek naman si Trisha pa talaga ang nagbukas ng pinto at tumulong ky Cheska sa pag alalay sakin agad itong lumapit sa amin at tinulungan si Cheska na alalayan ako.
"Wag nyo ko hawakan kaya ko sarili ko!" Sigaw ko! Putek miss na miss ko na ganito siya kalapit sakin pero sobrang sama ng loob ko sa kaniya!
"Sir lasing na lasing po kayo halos di na po kayo makalakad ng ayos hahatid lang po namin kayo sa kwarto nyo" sagot niya sakin.
"ano bang pakealam mo sakin? May pakealam ka na sakin ngayon? Hahahaha ! Sagot ko sa kaniya.
" Pasensya na po " Sagot nito sa akin.
Agad nila akong inihiga ni Cheska sa kama
"Oh tingin-tingin mo jan?" pwede ka na umalis!" Pasigaw na sabi ni Cheska sa kaniya
Agad naman siyang naglakad palabas ng kwarto pero bago pa man siya makalabas ng kwarto bigla akong nagsalita
"Thanks Cheska"
"You're Welcome babe" sagot nito saakin
Napahinto ito sa paglalakad at napalingon sa amin hindi ko alam kung bakit parang nasaktan siya nung nakita niya si Cheska na bigla nalang akong hinalikan pero parang bigla akong nabuhayan ng loob na baka my pag-asa naman pala dahil nakita ko sa mata niya na meron siya kahit kakaunting pagmamahal para sa akin at gagawin ko ang lahat para hindi niya pigilan na lumago yung kakaunting pagmamahal niya na iyon para sa akin ......
_______________
Author's Note :
Hello po pa vote naman . Paranas naman ng umabot ng 100 votes . Charot . Hahahaha 😂😂 .Salamat po pala ng Marami sa nag vovote at nag aadd ng story ko sa reading List nila at nag cocomment pa . Ang sarap po mabasa na my nakaka appreciate ng kwento na sinulat mo . Muli po salamat ng marami . Godbless us all po 😍💖
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Boss
FanfictionPano kung sa paghahanap mo ng trabaho ay pag-ibig pala ang mahahanap mo ? At pano kung sa lalaking hindi mo pa pwedeng mahalin naramdaman ang pag-ibig na ito ? Author's Note : Sorry na po agad hindi po ako professional na manunulat ngunit matagal ko...