Trisha's POV
Hindi ko maiwasang mapatingin kay sir Ethan habang sabay-sabay kaming kumakain parang baliw naman ang puso ko sa sobrang pag wawala nito pag napapatingin ako ky sir Ethan at nahuhuli kong nakatingin din siya sa akin . Mas lalong hindi ko maiwasang mahulog ang loob sa kaniya dahil mas nakikita ko pa kung gaano siya kabuting tao hindi mga katulong ang tingin niya sa mga tao dito sa bahay nila kundi pamilya . Ngayon ay alam ko na kung bakit ganun nalang kadaling nahulog ang puso ko sa kaniya dahil napakabuti niyang tao ni minsan ay hindi ko siya nakitang nag sungit o nang mata ng taong mas mababa sa kaniya kaya pala ganun nalang siya kamahal ni Tyang dahil mapagmahal din siya sa mga taong nag aalaga at nag sisilbi sa kanilang magkapatid. Napaka suwerte ng babaeng mamahalin niya at ng magiging anak nila. Gusto ko si sir Ethan pero ayaw kong pangarapin na ako ang maswerteng babaeng kaniyang mamahalin dahil kahit gaano pa siya kabait ay alam kong hindi ang kagaya ko lang ang nararapat sa kaniya para kaming langit at lupa, siya ang langit at ako naman yung lupa masyado malayo ang pagitan namin hindi ang babaeng kagaya ko ang nararapat sa isang prinsepe na kagaya niya
Pagkatapos kumain ay agad kaming nagligpit ng pinagkainan naglinis at nag ayos para sa aming pagpapahinga. Bago matulog ay pumunta muna ako ng kusina para icheck ang lahat ng dapat icheck. Pero naabutan ko si sir Ethan sa kusina na umiinom ng gatas.
" Magandang Gabi sir Ethan " sabi ko nalang kahit ang totoo'y ayaw ko sana siyang pansinin dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari kagabi.
" Maganda talaga ang gabi dahil nandito ka ngayon sa aking tabi " sabi ni sir Ethan at ngiting ngiti sa akin.
Hindi ko alam pero parang nag aapoy ang aking muka sa sobrang hiya at kilig sa kaniyang sinabi.
" hehe . Kayo talaga sir cheneck ko lang po sir ung mga dapat icheck pasensya na po naistorbo ko pa po ata kayo aalis na po ako " sagot ko sa kaniya.
" aalis kana agad ? Dito ka muna gusto ko din pag usapan ung nangyari kagabi " pigil niya sa akin.
Agad akong napalingon sa paligid dahil baka my nakarinig sa sinabi niya " sir pwedeng wag po tayo dito baka po my makarinig na iba sa atin eh " sabi ko at tumango naman siya at naglakad papuntang garden
" Trisha " Wika niya pagkadating namin sa Garden
" Sir Kalimutan nalang po natin iyon at wala na po sanang makakaala----..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niya hinalikan
Bigla na naman nagkarerahan ang puso ko dahil sa halik na iginagawad niya sa akin at parang my sariling buhay ang mga labi ko dahil kusa itong tumutugon sa mga halik na ibinibigay sa akin ni Sir Ethan.
Pinaghiwalay niya ang aming mga labi at pinakatitigan ako sa aking mga mata " Pasensya ka na Trisha pero hindi ko kayang kalimutan yung nangyari kagabi "
" Pero si--- " Hindi ko na naman natuloy yung sasabihin ko dahil hinalikan na naman niya ako .
Ngayon ay ako na ang pumutol sa halik na ibinibigay niya sakin dahil pag di ko pa siya pinigil ay baka bumigay na naman ako at hindi ko na alam kung san pa pwedeng tumungo itong halik na ito.
" Para na nga akong baliw dahil sa nararamdaman ko sayo tapos gusto mo kalimutan ko nalang yung nangyari? Trisha naman! " Sigaw niya sakin.
" Sir please wag po kayong sumigaw baka may makarinig sa atin " sabi ko habang patingin tingin sa paligid
" wala akong pakialam kung may makarinig sa akin ? Hindi talaga ako titigil kakasigaw dito pag pinilit mo pang kalimutan nalang yung nangyari "
" Sir naman please wag nyo pong lakasan yung boses nyo baka marinig tayo nila Tyang" Sabi ko na parang maiiyak na sa kaba dahil baka may makarinig sa amin dahil ang lakas ng boses niya
" Sir please naman po hayaan niyo nalang po ako hindi po tayo bagay sir katulong lang po ako dito sa mansyon niyo masyado kayong mataas hindi po bagay sa inyo ang kagaya ko " dagdag ko na naiiyak na.
" Bullsh*t Trisha! Wala akong pakealam kung katulong ka basta mahal kita!! " Sigaw niya ulit hindi na ako na katiis at tinakpan ko na ang kaniyang bibig baka marinig kami ng guard na nagbabantay sa gate.
" Sir naman diba sabi ko wag kang sumigaw isang sigaw mo pa aalis na ako dito sa mansyon at uuwi nalang sa probinsya namin! "
Nakita kong parang biglang may kaba sa kaniyang mata dahil sa sinabi ko
Dali dali niyang inalis ang kamay ko sa bibig niya at bigla akong hinila at niyakap.
"No baby, Sorry na hindi na ako sisigaw wag mo kong iiwan" Sabi niya habang sobrang higpit ng yakap sakin
Dahan dahan akong kumalas sa pagkakayakap niya sa akin
" Sir bat ako? madaming magandang babae jan na mas bagay sayo " tanong ko dahil hindi talaga ako makapaniwala na magkakagusto siya sa kagaya ko
" hindi ko din alam kung bakit ikaw eh, Pero hindi ko naman pwedeng turuan ang puso ko kung sino ang dapat kong mahalin please naman Trisha magtiwala ka sakin mahal kita kung gusto mo papakasalan kita agad bukas para lang maniwala ka "
" Sir naman eh! ". Sagot dahil di ako makapaniwala sa mga sinasabi niya
" Sige ganito nalang lets give it a try hayaan mong ipakita ko sayo na seryoso talaga ako sa sinasabi ko na gusto kita " Sabi niya habang nakatingin lang sa mga mata ko.
" Anong gagawin mo para mapatunay na seryoso ka? "
" Hayaan mong ligawan kita para mapatunayan ko sayong seryoso ako sayo at mahal talaga kita "
~~~~~~~~~
Author's Note:
Hi pasensya na po ulit sa matagal na update .. Salamat sa paghihintay please don't forget to click vote naman po oh para mas ganahan akong mag update . Hahahaha ! Lovelots
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Boss
FanfictionPano kung sa paghahanap mo ng trabaho ay pag-ibig pala ang mahahanap mo ? At pano kung sa lalaking hindi mo pa pwedeng mahalin naramdaman ang pag-ibig na ito ? Author's Note : Sorry na po agad hindi po ako professional na manunulat ngunit matagal ko...