Chapter 15

1.9K 76 19
                                    

Trisha's POV

Habang nakahiga ay di ko pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Sir Ethan kanina yung sinabi nyang gusto nya ako , posible kayang magkagusto siya sa isang tulad ko? Hindi maaaring lumambot ang puso ko dahil lang sa sinabi nyang gusto niya ako malamang sinabi na niya yun sa napakaraming babae. Hindi ko dapat isipin pa ang mga nangyari kanina dahil trabaho ang ipinunta ko dito at hindi pag-ibig kailangan kong magsumikap upang matulungan ko sila inay.

Maaga akong nagising kinabukasan, hindi ko alam kung kaya kong humarap kay Sir Ethan ng hindi naiilang. Habang abala ako sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa ay siya namang dating ng magkapatid na Montemayor sa dining area upang kumain ng almusal.

"Good Morning po". Agad kong bati sa magkapatid.

Tahimik lang na kumakain ang magkapatid at walang kumikibo sa kanila nanibago ako kay Sir Ethan dahil di man lang niya ako tinitignan. Oero hinayaan ko nalang siya dahil mas gusto ko nga yun dahil hindi ko alam kong kaya ko pang pakitunguhan siya ng kagaya ng dati matapos ang nangyari kagabi. Nang matapos silang kumain ay agad na umalis ang magkapatid upang pumasok na sa kanila company.

"Oy Trisha may nangyari ba?" Tanong ni ate Esther.

"Huh? Wala naman bakit?"

"Parang di ka ata kinulit ni Sir Ethan ngayon?"

"Baka nagbagong buhay na siya mabuti nga yun eh para naman matahimik na ang buhay ko".

"Grabe ka naman ang bait-bait kaya nun ni sir!"

"Naku ate Esther please lang wag na natin siya pag-usapan magtrabaho nalang tayo".

Natapos ang buong maghapon at sobrang naging maganda naman ang maghapon ko. Hanggang maggabi na kinakabahan ako na baka kulitin na naman ako ni Sir lagi kasi siyang ganun pag-umuuwi na siya hindi daw pwede na hindi nya ako kukulitin dahil di daw makokompleto ang araw niya. Pero natapos na sila kumain ay di niya man lang ako nagawang tignan man lang. Di ko alam kung bakit parang naiinis ako na di niya ako kinukulit ngayon alam kong ito yung gusto ko yung wag niya na akong kulitin pero bakit parang nalulungkot ako ngayong di niya na talaga ako pinapansin? Nagligpit na lamang kami para matapos na ang mga gawain at makapagpahinga din ng maaga.

Hirap akong makatulog sa hindi ko malamang dahilan di ko alam kung bakit nalulungkot ako marahil ay namimiss ko lang sila inay. Unting tiis lang pagnakaipon ako ng pang negosyo ay maaari na akong umuwi sa amin at doon nalang magtayo ng tindahan para sama-sama parin kami ng pamilya ko.

Hindi ako makatulog kaya naisip kong tumayo nalang muna at pumunta ng kusina magtitimpla muna ako ng gatas para makatulog ako Di naman ako pakelamera dito sa mansyon huh pero pinapayagan naman kami na uminom ng gatas at kape dito free lang yun walang bayad hehehe!

Habang nagtitimpla ng gatas ay nagulat na lamang ako ng biglang dumating si sir Ethan di ko alam kung anong gagawin ko dahil bigla akong kinabahan.

Naglakad siya papalapit sakin ay di pala sa akin dahil sa ref pala ang tungo nya upang uminom ng tubig. Pagkatapos katapos uminom ay agad din siyang umalis upang bumalik sa kwarto niya ng di ako pinapansin.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko di ko nalang namalayan na bigla nalang may tumulong luha sa mga mata ko...

------------------------------------------

Author's Note : Sorry kung tagal ko bago nakapag update ulit akala ko kasi wala ng nagbabasa kaya di ko nalang sana siya itutuloy pero biglang my nag notif sa akin na " EME-EME ADD YOUR STORY TO HER READING LIST " At sobra akong kinilig sabi ko sa sarili ko kahit my isang tao lang na magbasa nito ay itutuloy ko na siya at thank you po sa iyo kasi na motivate akong ituloy ulit ang aking story . Pinakilig mo ako ng sobra!

Nagpapasalamat po ako sa mga nagbabasa ng story ko :) Godbless :)

I'm Inlove with my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon