Ethan's POV
" Edi ligawan mo muna ako ng tayong dalawa lang ang nakakaalam . Pwede ba yung ganun ? "
Nandito na ako sa office ko pero di ko mapigilang mapangiti dahil nagpaflashback sakin lahat ng nangyari kagabi. Akala ko talaga ay wala na akong pag asa at sasabihin na naman niya sa aking wala akong mapapala sa kaniya kaya halos hindi ako nakatulog sa sobrang saya dahil pumayag na siyang ligawan ko siya yun nga lang ayaw niya munang may ibang makakaalam na nililigawan ko siya ok na yun kesa naman hindi niya ako bigyan ng chance na ligawan siya.
Masaya din akong pumayag siya sa offer ni kuya na scholarship, kinausap ko si kuya tungkol dun ayokong ako mismo ang mag alok sa kaniya nang scholarship dahil alam kong tatanggihan niya ako sinabi ko kay kuya na alukin niya si Trisha para naman makabawi kami kay Manang Rose sa lahat ng sakripisyo at pag aalaga samin ni kuya, Agad namang pumayag si Kuya dahil sobrang mahal nun si Manang, si Manang Rose na kasi ang nag silbi naming magulang noong mamatay ang parents namin simula ng mawala sina mom and dad hindi na nagawang umuwi ng probinsya ni Manang Rose dahil ayaw niya kaming iwan ni kuya kaya sobrang napamahal na din talaga kami kay Manang Rose dahil ramdam namin na hindi niya lang kami inaalagaan dahil sa ito ang trabaho niya kundi tunay na mga anak na ang turing niya sa amin ni kuya, Laking papasasalamat din namin ng dumating si Trisha sa bahay dahil nakita namin na mas naging masigla si Manang dahil kahit papano ay meron siyang pamilya na nasa tabi niya ngayon. Halos maiyak din si Manang Rose sa tuwa kanina nung nalaman niyang pag aaralin namin si Trisha kaya doble-doble ang nararamdaman kong saya ngayon dahil bukod sa matutulungan namin ang mahal ko ay napasaya din namin ang taong nagsilbing ina namin sa mahabang panahon.
Binuksan ko ang laptop ko at nag search ng mga school na maaaring pasukan ni Trisha balak kong ako mismo ang sumama sa kaniya bukod sa masosolo ko siya ay masisiguro ko pang safe siya pag ako ang kasama niya. Excited na ako para sa mahal ko. Parang gusto ko tuloy mag aral ulit para classmate kami ni Trisha eh, joke! Hahahah
Nang makapag search ako ng mga school agad akong pumunta sa office ni kuya para magpaalam na uuwi muna ako tutal wala naman akong masyadong gagawin balak kong ngayon kami magsimula ni Trisha na mag inquire sa mga school na pwede niyang pasukan. Namili ako ng mga school na malapit dito sa office para pwede ko siyang puntahan at sunduin or sa mansyon para hindi na siya mahirapan sa byahe pagpapasok.
" Kuya uuwi muna ako, Nag search ako ng mga school na pwedeng pasukan ni Trisha balak ko siyang ipasyal sa mga school na na search ko para makapili siya kung san niya gustong mag aral, tawagan mo nalang ako pag kailangan mo ko, natapos ko naman yung mga kelangan kong tapusin ngayon "
" sige bro! Papatawagan nalang kita sa secretary ko incase na kelangin kita dito ".
" Thanks kuya! Alis na ako"
Yes! Nakakaexcite na ako masosolo ko din si Trisha! Hahaha
Pag dating ng masyon ay agad akong pumunta ng kitchen para hanapin si Trisha at di nga ako nagkamali dahil nandun sila at nanananghalian na.
" Oh Ethan bat ang aga mo atang umuwi ? Kumain ka na ba? " tanong ni Manang Rose
" Hindi pa po Manang pero busog pa naman ako " Sagot ko habang nakangiti
" Nag search po kasi ng mga school na pwedeng pasukan ni Trisha at balak ko po sana siyang isama para makapamili siya ng school na gusto niyang pasukan " dagdag ko pa
" Ngayon na agad sir? Parang kakasabi nyo po lang kanina sa akin ng tungkol sa scholarship ko . Hehe " tanong ni Trisha
" Yes kasi ilang linggo nalang enrollment na tska para makapag isip ka din kung saan mo balak mag aral at kung anong course ang kukunin mo, kaya magbihis kana pag tapos mo jan, dun muna ako sa kwarto ko at maliligo lang ako, tawagin mo nalang ako pag nakaready kana " sabi ko naglakad na papunta ng kwarto ko
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Boss
FanficPano kung sa paghahanap mo ng trabaho ay pag-ibig pala ang mahahanap mo ? At pano kung sa lalaking hindi mo pa pwedeng mahalin naramdaman ang pag-ibig na ito ? Author's Note : Sorry na po agad hindi po ako professional na manunulat ngunit matagal ko...