Chapter 26

1.4K 55 11
                                    

Trisha's POV

Kinabukasan maaga akong nagising, As in ang aga hindi ko nga sure kung nakatulog ba ako gawa ng di pa din ako makapaniwala sa naging usapan namin ni Sir Ethan kagabi. Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa kong pagpayag na ligawan niya ako. Pero di ko naman maloloko ang sarili ko alam kong may nararamdaman na din ako kay Sir Ethan kahit ilang beses kong ideny sa sarili ko alam kong hindi ako madadala sa mga halik niya kung wala akong nararamdaman sa kaniya.

Nag aasikaso kami ngayon para sa breakfast ng matapos ang paghahanda para sa almusal ay inutusan ako ni Tyang na tawagin na si Sir Ethan at Sir Edgar.

Umakyat ako sa taas upang tawagin sila Sir una kung pinuntahan si sir Edgar dahil mas una kong madadaanan ang kwarto niya kesa sa kwarto ni Sir Ethan

" Good Morning po Sir Edgar, Ready na po ang breakfast" sabi ko habang kumakatok sa pinto.

" Sige, bababa na ako ".

" Sige po sir "

Pag tapos ay naglakad naman ako papuntang kwarto ni Sir Ethan nagdadalawang isip akong tawagin siya kasi kinakabahan ako at nahihiya sa kaniya. Pero hindi ko naman pwedeng hindi gawin ang trabaho ko.

" Good Morning Sir Ethan Breakfast is ready na po"

Hindi ako nakarinig ng sagot kaya kumatok na ako sa pintuan. Pero nakailang katok na ako ay wala pa din sumasagot. Bakit kaya? Baka naliligo pa siya. Kakatok na sana ako ulit ng biglang bumukas ang pinto at nagulat ako sa nakita ko si Sir Ethan mukang kakatapos lang niya maligo dahil may nakatapis na towel sa kaniyang bewang at pinupunasan ng towel ang basa niyang buhok. Bigla niya akong hinila sa loob at sinara ang pinto ng kwarto niya.

" Sir bat niyo ko hinila dito, lalabas na ako baka may makakita pa sakin dito sa kwarto mo " bubuksan ko na sana ang pinto ng humarang siya dito at bigla akong hinalikan sa labi ko

Para na naman akong baliw dahil tinugon ko na naman ang mga halik niya sakin. Ako na ang pumutol sa halikan namin dahil parang wala naman siyang balak tumigil sa paghalik sakin.

" Good Morning Loves " Bati niya sakin pagtapos ng matamis na halikan namin

" Sir naman bat bigla bigla ka nalang nanghahalik ganyan ka din ba sa ibang babae? " Bigla akong nainis sa naisip ko baka ganun din siya sa ibang babae.

" hindi ah, sayo lang ako ganito para kasing my magnet yang labi mo at minamagnet ung labi ko eh kaya di ko napipigilan sarili ko na halikan ka. Hehehe " Sabi niya na parang kinikilig pa.

" Lalabas na ako baka magtaka si Tyang at ang tagal ko naman kayong tawagin magbihis kana at bumaba na para makakain kana " sabi ko nalang at nagkunwaring nasusungit dahil ayaw kong mahalata niya na kinikilig ako sa kaniya

" Wait lang! Pakiss pa isa nalang " Sabi niya at akmang hahalikan na naman ako pero agad kong tinakpan ang labi niya

" Oy sumusobra kana baka nakakalimutan mong nanliligaw ka palang at hindi pa kita sinasagot " sabi ko at tinutulak pa ang mukha niya dahil pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko.

" Sige na isa lang pampagana lang sa trabaho ko loves " sabi niya habang hawak ang kamay kong pinantakip ko sa bibig niya

" Tse! Magtigil ka jan magbihis kana , silipin mo nga muna kung my tao sa labas yari ka talaga sakin pag my nakakita sakin na nandito ako sa kwarto mo " bumitiw siya sa akin at sinunod naman niya ang sinabi ko

Binuksan niya ang pinto at dahan-dahang sumilip kung may tao ba nong makompirma niyang walang tao ay sinenyasan niya akong pwede na akong lumabas.

Sumilip muna ako bago tuluyang lumabas ng kwarto ni Sir Ethan dali dali akong naglakad palayo sa kwarto niya at baka bigla na naman niya akong hilahin baliw talaga yun kinakabahan na ako sa mga ginagawa niya baka mamaya may makahalata samin eh.

I'm Inlove with my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon