Trisha's POV
Ganito pala yung feeling ng nakikipag date, sobrang saya na parang ayoko ng umandar yung oras para andito lang kami at lagi lang kaming magkasama, hindi ko alam kung pag-ibig na ba tong nararamdaman ko pero sobra-sobra ang sayang nararamdaman ko twing kasama ko si Sir Ethan. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong klaseng pagmamahal ngayong lang ko lang naramdaman ang maging espesyal sa isang tao.
" Ethan " tawag ko sa kaniya at tumigil ako sa paglalakad
" Yes, Love? " ngiting ngiting sagot niya sakin
" Thank you talaga "
" Para saan na naman? Kanina ka pa mag te-thank you eh . Hehehe! "
" Sa lahat, alam ko na lagi mo ng sinasabi na gusto mo ako, kaya salamat kasi sobra mong pinaparamdam na espesyal ako sayo " nakayuko kong sabi sa kanya di ko talaga magawang tumingin sa kaniya kasi sobrang kaba ang nararamdaman ko pag nasa malapit siya
" salamat din kasi binigyan mo ako ng chance na iparamdam sayo na mahal at mahalaga ka sakin " sabi niya habang hawak ang pisngi ko at pilit hinaharap ito sa mukha niya upang matitigan ako.
" Halika na nga! Hehehehe . " bigla akong tumayo dahil para na akong mahihimatay sa mga titig niya
" Gusto mo na umuwi? "
" Oo, baka hinahanap na nila tayo eh "
" Wait lang gusto pa kita masolo eh " nakasimangot na sagot niya sakin
" magkasama naman tayo ngayon ah tska may ibang araw pa baka gabihin na tayo masyado tara na . Hahaha "
" ano sabi mo may ibang araw pa? So papayag ka ulit magdate tayo sa susunod? " ngiting ngiting tanong niya sakin. Hahaha!
" naku Ethan halika na kasi baka mayari na tayo kina tyang niyan eh. Hahaha! " hinila ko siya papalapit sa kotse
" oy wala trisha naman mag promise ka muna dali, ayoko di ako papasok ng kotse pag di ka nag promise"
" opo na sir Ethan sa susunod ulit, ok na? Hahahaha " ang kulit niya para siya bata . Hahahaha
" yes! Sabi mo yan huh . Hahahaha
" basta ikaw bahala mag-isip ng palusot kung pano tayo makakaalis ng bahay . Hehehe "
" naku ako pa! makakaisip ako agad ng palusot basta't makasama ka lang! HAHAHA "
Habang nasa byahe hindi ko namalayan na nakatulog ako, nagising nalang ako dahil ginigising ako ni Ethan nandito na pala kami sa mansyon.
" hala sorry napasarap ata yung tulog ko " sabi ko at dali daling inayos yung sarili.
" wait lang " bigla siyang lumapit sakin at hinalikan ako sa labi
"Ethan naman nandito na tayo sa mansyon baka may makakita satin " Bigla ko siyang naitulak sa kaba
" walang makakakita tinted tong sasakyan ko , isa pa nga " at bigla na naman niya akong hinalikan at di ko namamalayan na tinutugon ko na ang halik niya sakin
Grabe kung humalik si Ethan parang wala na siyang balak tumigil kaya ako na ang unang kumalas sa halik niya sa akin.
" baka magtaka sila ang tagal natin bumaba ng kotse " tara na.
" I love you Trisha " sabi niya at akmang hahalikan na naman ako pero pinigil ko na siya at dali daling binuksan yung kotse tska bumaba na ako hirap na baka madala na naman ako sa halik nito.
" Hello po Tyang nandito na po kami " Bati ko kay Tyang pagpasok namin sa bahay
" Oh kamusta naman ang lakad nyo? "
Tanong ni Tyang" Ok naman po Manang Rose nakapili na din si Trisha ng School na papasukan niya " Sagot naman ni Ethan
" Ay talaga ba? Salamat talaga iho huh . Ang bait nyo talagang magkapatid " parang maiiyak na naman si Tyang sa saya.
" Manang Rose parang iiyak ka na naman. hahahah " puna ni Ethan kasi nakita niya na parang iiyak na naman si Tyang . Hahahah
" Eh kasi naman masaya lang aki para kay Trisha, Ay teka nga kumain na ba kayo ng hapunan? "
" Hindi pa nga po Manang eh, Baka naman may niluto kayong masarap jan manang napagod po ako sa byahe " Sagot ni Ethan na parang naglalambing sa nanay niya . Hahahha
" Ay syempre naman niluto ko tong spicy adobo na favorite mo kasi alam kong pagod ka "
" Yown! Da best ka talaga Manang mukang mapaparami kain ko nito " Sagot ni Ethan habang tumatawa pa
Pagtapos kumain ay nagligpit na kami, si sir Ethan umakyat na sa kwarto niya para maligo at magpahinga
Hanggang ngayon hindi pa din maalis yung ngiti ko, hindi ko alam kung anong ginawa kong mabuti para makatanggap ng ganitong blessing! Excited na akong pumasok at grumaduate! Grabe graduate agad di pa nga nakakapag enroll . Hahaha! Syempre excited ako kasi gusto ko maahon sa hirap ang pamilya ko! Hindi ko sasayangin tong opportunity na ito gagalingan ko at magsusumikap para maiahon sa hirap ang pamilya ko, maraming salamat Lord sa biyaya at maraming salamat Lord sa sayang idinudulot ni Sir Ethan sa puso ko..
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Authors Note:Hello mga sis, pasensya na sobrang natagalan sa pag update sobrang nagulat ako pag open ko ng wattpad ko ang dami niyo ng comment at my mga nag message pa sakin para sa update! Hahahahha . Nakakatuwa at nakakataba po talaga ng puso ang mga comment nyo . Maraming salamat talaga sa mga nagbabasa at nagtitiyagang maghintay sa update ng kwentong to! Pasensya na agad ulit di ko alam kung kelan ako ulit makakapag update pero sana masayahan kayo dito! Maraming salamat ulit! Godbless po sa ating Lahat 💖
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Boss
FanficPano kung sa paghahanap mo ng trabaho ay pag-ibig pala ang mahahanap mo ? At pano kung sa lalaking hindi mo pa pwedeng mahalin naramdaman ang pag-ibig na ito ? Author's Note : Sorry na po agad hindi po ako professional na manunulat ngunit matagal ko...