Chapter 16

1.8K 82 15
                                    

Trisha's POV

Ilang araw na din ang nag daan na hindi na ako kinukulit ni sir Ethan gusto kong mainis sa sarili ko dahil ginusto ko naman to eh, Yung di nya na ako kulitin para tumahimik ang buhay ko pero bakit parang may kulang simula ng nag iba ang pakikitungo nya sakin? Bat parang hindi na kompleto ang araw ko dahil na niya ako pinapansin? Hindi ko maiwasang malungkot twing nakikita ko siya na di niya man lang niya ako magawang tignan, sabi nya gusto niya ako bakit parang ang bilis lang para sa kanya ang iwasan ako dahil ba sa sinabi kong wala siyang aasahan sakin? Hindi niya na ako kinukulit dahil alam niyang wala naman siyang mapapala sakin? Ganito ba talaga yung mga lalaki sa Maynila? Hindi man lang marunong manuyo at hindi marunong mag tiyaga para babaeng nagugustuhan nila? Eh wala pala siya sa tatay ko eh! Si tatay kahit ilang beses siya inayawan ni nanay ay di siya sumuko para lang mapa oo si nanay. Tapos itong Ethan sinabi ko lang na wala siyang aasahan sa akin ay bigla nalang hindi ako papansin? Akala ko ba gusto niya ako? Nakakabwisit siya!

Natapos nalang lahat ng gawain namin di pa rin umuuwi si sir Ethan, madalas na siyang ganun madalas din siya umuwi ng nakainom sabi ni ate Ester. Papasok na sana ako sa kwarto ng bilang bumukas ang pinto ng mansyon at niluwa nun si sir Ethan at ang isang babae na napaka sexy akay-akay nito si sir Ethan lasing na lasing ito at halos di makatayo ng ayos biglang bumaling ang tingin sakin ng babae at bigla akong sinigawan!

"Hoy babae anong tinitingin tingin mo jan? Baka gusto mo akong tulungan no?" Nakataas pa ang kilay nito habang nakatingin sakin.

Agad agad akong lumapit sa kanila at pumunta sa kabilang side ni sir Ethan para alalayan din ito. Napatingin sakin si sir Ethan habang pupungas pungas ang mata. Nang maaninag nito ang muka ko ay bigla nalang itong napamura!

Habang akay-akay namin siya ng sexy na babaeng kasama niya ay bigla siyang nagsalita.

"Wag nyo ko hawakan kaya ko sarili ko!" Sigaw niya.

"Sir lasing na lasing po kayo halos di na po kayo makalakad ng ayos hahatid lang po namin kayo sa kwarto nyo" sagot ko sa kaniya

"ano bang pakealam mo sakin? May pakealam ka na sakin ngayon? Hahahaha ! Sagot niya naparang nakakaloko ang tawa

"oo nga ano bang pakealam mo kung maglasing si Ethan? Maid ka lang naman dito!" sabi nung babaeng kasama niya

"Pasensya na po" sagot ko nalang sa kanila at nagpatuloy nalang alalayan si sir Ethan hanggang makarating sa kwarto niya agad namin siya inihiga sa kama.

"Oh tingin-tingin mo jan?" pwede ka na umalis!" Pasigaw na sabi sakin ng babae.

Agad akong naglakad palabas ng kwarto bago pa man ako makalabas ng kwarto bigla nalang nasalita si sir Ethan.

"Thanks Cheska" sabi nito dun sa babaeng Cheska pala ang pangalan

"You're Welcome babe" sagot nito

Napalingon ako sa kanila at bigla nalang sumakit ang dibdib ko ng makita kong hinalikan ng babae ang mga labi ni sir Ethan. Agad akong umalis at nagtatakbo papunta sa kwarto namin at dumiretso sa kama na hinihigaan ko bigla nalang my tumulong luha sa mga mata ko ng maalala ko kung pano hinalikan ng Cheska na yun si sir Ethan.

------------------------------------

Author's note : Hello po maraming salamat sa mga nagbasa at nag comment sa chapter 15 sobrang kinilig ako dahil my nagcocomment na at sinasabing bitin at update na please ! Hahaha ! Salamat po sana masiyahan kayo sa chapter 16 at sana po patuloy nyo akong suportahan hanggang dulo :) . Wag nyo din po sana kalimutan mag vote para mas kiligin ako guys . Hahaha ! Sobrang nakakataba po sa puso ang simpleng pag vote nyo every chapter :) Maraming salamat po :)

I'm Inlove with my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon