14

3 0 0
                                    

Move on

Nakakatawa... sobrang mapagtago.

Nakakainis.. lumisan ako sa lugar na yon at bumalik sa may fountain, naupo ako saglit sa lupa at inangat ang mga mata upang makita ang babaeng statue na naka turo sa kaliwa, sa may talahiban. Dahil na curious ako tumayo ako't nag lakad patungo rito. Ipinagilid ko ang talahib at nakita ko ang isang malawak na daan. Tatalikod na sana ako ngunit narinig ko ang agos mula sa nasabing daan. Hay nako mapapahamak yata ako sa kaka curious ko nito. Pinasok ko ang gubat at pinakinggan ang agos.

Nakahanap ako ng isang kahoy sa daan at pinulot ito. Malay natin may ahas dito, mabuti ng handa.

Tumuloy ako sa paglalakad hanggang marating ang isang bulwagan na puno ng running leaves, parang kurtina, hinawi ko ito at bumungad sa'kin ang napakahabang tulay na patungo sa kabilang bahagi nito. Nasa gitna ang isang talon kung saan nag bibigay inggay dahil sa pag agos nito, tinawid ko ang tulay at pumunta sa may gitna, sumandal ako sa lubid at inangat ang palad upang maabot ang agos ng tubig, ngunit sa pag abot ko nito may nag salita tunog namamangha. I turn to see who it was and I saw Zy slowly walking towards me, hindi niya siguro ako nakita. Tinitigan ko ang mukha niya at minasdan ang mga emosyong nasa mga mata niya.

Tumingin siya sa banda ko at nagulat. "Hi... kanina ka pa ba jan?" Tumango ako " Ah...hehe ang ganda rito no?" Umupo siya sa tulay at tinitigan ang tubig sa ilalim.

Umupo din ako sa kabilang bahagi, "Paano ka naka punta rito?" Tanong ko habang nasa talon ang paningin.

"Ewan nag lakad lang ako at nakarinig ng agos ng tubig kaya nakapunta rito" natatawang saad nito

Tumayo ako at nag pagsayang tahakin ang kabilang bahagi. Hindi ako ng paalam rito kaya tinawag niya ko.
"Ate.. baka mapano ka dyan dito ka na lang... wala akong kausap." Lumingon ako dito at sinenyasang saglit lang. "Babalik ako... titignan ko lang ang looban" lumingon siya sa paligid at agad tumayo. "Sama ako ayuko mag isa, baka may aswang dito... shit ayuko pa mamatay hindi ko pa nakikita ang lahi ni Uban." Lumapit siya sa'kin at nagulat ako dahil hinawakan niya ang t-shirt ko, tinanaw ko siya pero ngumiti lang ito saakin at hindi kinuha ang kamay niya sa pagkakahawak sa t-shirt ko, pinabayaan ko na lang. Nang matawid namin ang kabila mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa t-shirt kaya na tigil ako sa pag lalakad. "Sorry... nakakatakot lang talaga"... agad pumasok sa isip ko si Kate... natatakot ang kapatid ko... Yinakap ko siya at sinabihang okay lang, natauhan ako ng niyakap niya 'ko pabalik, bumitaw ako sa yakap "I'm sorry I just remember someone, don't be scared ate is here" I smile and assure her that she'll be safe as long as I am in her side.

Kagaya sa bulwagan kanina may mga running leaves din dito na parang kurtina. Hinawi ko ito at hinintay si Zy sa likod. Pag lingon naming pariho agad naghari ang gulat sa mukha namin si Haent at ang isang babae ay nag hahalikan. Hinagilap ko ang nasa likuran ko upang umalis na sana pero na una na pala siya gumiwang ang mga dahon sa pag alis niya. Tumalikod ako sa dalawa at hinayaan silang mag halikan doon. Hinanap ng paningin ko si Zy dahil alam kong nasaktan siya bakas ito sa mga mata niya kanina.

***

Nakabalik na 'ko sa kwarto hindi pa nag didilim. Nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas ako at pag labas ko madaming tao ang nag lalabasan sa kanya kanyang kwarto na patingin ako sa relo at nakitang six: twenty na pala... may mini concert kasi mamaya sa pag salubong ng field trip nato...

Habang nag lalakad nakita ko si Hyz na papalapit saakin. Tumingin ako sa kanya huminto siya at huminto rin ako. Inabot niya wallet na naiwan ko kanina sa lamesa. Inabot ko ito ngunit hindi nag pasalamat, linagpasan ko siya at tumungo sa mga vendor sa labas. Bumili ako ng chips kahit alam kong bawal bumili parin ako. Dala ko naman ang gamot ko, bahala na... kinuha ko ang dalawa at bumalik sa kwarto para ilagay sa bag ang isang chips at kinuha ang tumbler at pumuntang field.

Umupo ako di kalayuan sa stage nasa third row ako, napatingin ako sa gilid ko dahil may umupo rito. Si Koa pala, tumingin ako sa unahan at binuksan ang chips, lumikha ito ng inggay kaya na pa tingin siya sakin, ngumiti lang ako dito at inabot ang chips sa kanya. Umiling siya at agad ding namang umupo si Eli sa gilid niya nag hi di ito, pero hindi ko siya sinulyapan ni isa, kahit na alam kong nakatingin siya. "Koa samahan mo ko" pabulong kong sabi. Bumaling siya sakin "Sa'n?" "Sa labas bibili ako" kinuha niya ang plastic sa gilid niya at ipinatong sa lap. Nagulat ako at na ngiti. Kumuha ako ng isang kisses doon at inilagay sa bulsa bago ibinalik sakanya.

Binalik ko sakanya at nagkatinginan kami ni Eli ngumiti siya sa'kin pero hindi ko ito sagot ng kahit ano. Tumingin lang ako stage dahil mag sisimula ng kumanta ang mga estudyante. Tinawag  si Zy sa stage  hawak niya ang gitara pa akyat ng stage. Tumingin siya sa audience at ngumiti.

She strum her guitar with a misty eye, hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin non.

I don't think that passenger seat
Has ever looked this good to me
He tells me about his nights
And I count the colors in his eyes

Dinama niya ang kanta, nakapikit ito at hindi tunakas sa mata ko ang mga butil ng luha sa mata niya, dahil malapit lang ako sa stage kitang kita ko iyon.

He'll never fall in love he swears
As he runs his fingers through his hair
I'm laughing 'cause I hope he's wrong

Tumingin siya sa mga audience at ngumiti, not minding the tear.

And I could tell you his favorite color's green
He loves to argue, born on the seventeenth
His sister's beautiful, he has his father's eyes
And if you asked me if I love him,
I'd lie

She loves Haent... She love his bestfriend Hahaha.. coincidence ba?

We both fell for our best friends and at the same time nasasaktan...

Hindi ko man aminin na mahal ko parin siya, nakikita naman sa kislap ng mata ko... di 'ko lang alam kung pansin niya.

Pero sana hindi... mag momove on na talaga ako...

lilimutin ko na talaga at tuluyan ng ibabaon sa lupa ang nararamdaman...

Fly,Fly butterflyWhere stories live. Discover now