Niel 3 A

78 10 7
                                    

Naglalakad na ako papuntang unang klase nang mapansin ko ang isang babae at lalaki na nag uusap sa gitna ng dilim.

Neon. Alvah.

"So, how's your day?" naiilang na tanong ni Alvah sa kaharap niyang si Neon.

Malawak naman siyang nginitian ni Neon at bahagya pang niyakap.

Mierda.

"Fine" nakangiting sagot ni Neon

Kita ko ang malawak na ngiti ni Alvah kasama si Neon na hindi niya naipapakita sa tuwing ako ang kasama.

"Narinig kong si Niel na ang kasintahan mo?" tila ba nanlulumong tanong ni Neon.

'Orange'

"No. I'm inlove with someone" Alvah answered.

Kita ko ang pekeng ngiti ni Neon nang yakapin siya ni Alvah. Gago.

"I'm not someone, Ms. Alvah. I'm Neon" pabirong sabi ni Neon.

'Pink'

Akmang ilalapit ni Alvah ang mukha niya kay Neon nang prente akong lumabas sa kinatataguan ko, dahilan upang parehas silang napahinto nang makita ako.

Diretso akong naglakad palayo sa kanila at pumasok sa unang klase. Pare- parehas silang napatingin sa akin nang makita ang aura ko.

'Yellow'

"Ayos ka lang?" tanong ni Jaxon, pero iniiwas ko na lang ang mukha ko sa kaniya.

'Red'

Nanggagalaiti ang mukha ko nang makitang nakangiting pumasok si Neon sa loob ng Class A...

...kasunod si Alvah

"Kasama ko siya" sambit nito.

Kita ko ang pagkawala ng emosyon sa mukha ni Huri at ng iba pa nang makita kung sino ang kasama niya. Alam nilang lahat na si Alvah lang ang babaeng niligawan ko sa tanang buhay ko na namamalagi rito .

Inayos ko ang upuan ko at inilipat 'yon katabi ng upuan ni Huri.

"Once a traitor always be a traitor" rinig kong bulong nito.

Lumapit ng upuan sa amin si Alvah at Neon kaya kunot noo ko silang tiningnan, habang nakakakuha ng inis na tingin sa mga kasamahan namin.

"Cool" banggit ko habang pekeng nakangiti.

Isang buwan na mahigit nang ligawan ko si Alvah, she's my ideal girl. She's too sweet kapag kasama ako, nagbibigay din siya palagi ng motibo na parehas kami ng nararamdaman. 'yon pala ay pasimpleng inaahas na. Nag iba ang pakikitungo niya sa akin nang ipakilala ko siya sa buong section namin. Nawala ang pagiging interesado niya, habang nakabaling kay Neon ang atensiyon.

"Andyan ka pala" tila gulat na sabi ni Neon kaya mas lalong tumalim ang tingin ko sa kaniya.

"Neon, sa labas" walang emosyong utos ni Jaxon.

Kakamot ulo naman siyang tumayo at iniayos ang sarili. Si Jaxon lang nakakapagpasunod sa gaya niyang gago. Akmang paalis na si Neon nang hawakan siya sa kamay ni Alvah.

"Sasama ako" suhestiyon ni Alvah.

Tumalim ang tingin ko sa kaniya kaya naiyuko niya na lamang ang ulo niya. Minsan ko na rin naisama sa klaseng ito si Alvah, pero ni minsan ay hindi naging ganiyan ang trato niya sa akin.

Naging kampante akong protektado siya ng mga estudyanteng nakapaloob sa klase namin, pero mukhang nagkamali ata ako, natuklaw pa ng isang gagong demonyo.

CLASS A room 2/4 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon