The word end cannot describe their story.
'I plan to hide but i caught. I plan to leave but I died. I plan to fight but he's compelled'
_________"Mali ang hinala kong pagtiwalaan ang buwitreng iyon" nagliliyab sa galit ang mata ni Huri nang tuluyang mapunta sa kaniya ang hinala na si Jaxon ang traydor sa kanila.
Lahat sila ay nagdusa mula ng mag umpisa ang pagpatay.
Kaya ngayong alam na nila kung sino ang traydor... Oras na para patayin ang harang.
"Traydor ka" napatahimik silang lahat nang biglang magsalita ang kanila lang ay nanghihinang si Max.
"Pinanonood mo lang kami habang unti unti kaming namamatay" batid sa boses ni Max ang galit at pagka dismaya habang madilim na nakatingin sa buhay na buhay na si Huri.
Tinuunan ng pansin ni Huri si Max habang tila ba walang namamayagpag na anumang emosyon.
"Matagal nang patay si Huri, Max" walang emosyong pagsagot ni Neon.
Max felt betrayed.
Sa dami ng araw na lumipas habang unti unti silang pinapatay sa loob ng impyerno ay narito ang mga inakala nilang patay na ngayon ay masiglang nakaharap sa kanila.
"Matagal na nilang patay si Huri" dagdag pang sabi ni Neon.
"Paanong nabuhay ka kung ganon?" Bumalik na sa pagiging normal ang isipan ni Cain ngunit naroon pa rin ang madilim nitong aura sa kanila.
"That Daze..." Itinuro ni Huri ang lalaking tila ba kahawig sa presensya ni Neon.
"Tinulungan ako ng kapatid ni Neon"
Flashback
Nakita ko ang magandang pag ngiti ni Zafira, bago niya hinila ang kutsilyong nakatarak sa dibdib ko.
"Ikinararangal kong napatay kita"
Ramdam ko ang pag agos ng malabnaw na dugo palabas sa katawan ko.
Paalis na ang demonyo
Ramdam ko ang pag alis ni Zafira palayo sa akin.
Nagdidilim na ang paningin ko ngunit bago pa man ako mawalan ng malay ay bahagyang lubihis sa gilid ng mata ko ang paglapit ng lalaki tungo sa akin.
Binuhat ako nito na walang iniindang kahit anong hirap.
Neon.
END OF FLASHBACK
"How impressive, Daze" mapang asar na sabi ni Neon habang nakangisi.
Nakaharang ang buong katawan ni Huri at Neon sa likod ng pinto kung saan narito ang mga nanghihinang studyante.
DAZE
HURI
NEON
MAX
NIEL
CAIN
"Maswerye kayong dumating kami sa tamang oras, kung hindi ay baka nakasama na rin kayo sa mga taong nakahandusay sa gitna ng bulwagan" walang emosyon na sabi ni Neon na tila ba utang na loob pa nila kay Neon ang buhay nila.
BINABASA MO ANG
CLASS A room 2/4
Mystery / ThrillerSouth Black University is the university where students do not study normally, showing their abilities is the only focus, they don't believe in the word trust until a class named Class A room 2/4 comes out. Have you ever heard the story about the sp...